DUMATING sa MDV nightclub si Andriano, isa sa mga sikat na club sa Maynila. Pinadalhan siya ng mensahe ni Sergio na doon na lamang sila magkita. Late na siya nang ilang minuto sa napag-usapan dahil hindi siya agad nakaalis sa opisina niya. Ayaw na niyang maulit ang nakaraan na napabayaan niya ang kompanya dahil sa mga problema. Ngayon ay kailangan na niyang alagaan ang Villafuerte Corp. Pumasok siya sa loob ng entrance, agad siyang sinalubong nang makapal na usok at iba't ibang ilaw na sumasabay sa malakas na tugtugin. Exclusive ang club na iyon para sa mga mayayamang tao lamang kaya halos lahat ng nasa loob, may kani-kaniyang pangalan sa lipunan. Agad niyang sinuyod ng tingin ang buong paligid, pilit hinahanap ng mga mata si Tricia. Natigilan lang siya at tila pinako sa kinatatayuan na

