"Oh, baby. Come here." Tinanggap niya ang kamay ni Sergio nang ilahad nito iyon para alalayan siyang makaupo sa tabi nito. Ngayon ay nasa pagitan na siya nina Andriano at Sergio. Napansin niyang pilit na tumatabi ang sekretarya nito kay Andriano. Hindi naman iyon binibigyan ng pansin ng lalaki dahil nakatuon lang sa kaniya ang paningin nito. "Who are you again?" basag ni Sergio sa katahimikang namagitan sa kanila nang makabalik siya. Malapad na ngumiti ang babae bago nilahad ang kamay kay Sergio. "I'm Carol, Andriano's secretary." "Oh." Napatango si Sergio. "Are you two dating?" Napangiti ito bago umiling. "No. My boss is very loyal to his wife." Sa sinabi nito ay nabaling sa babae ang paningin nila. Natawa naman nang mahina ang dalaga. "Kasama ko ang mga kaibigan ko, e. Nakita ko l

