Sandaling natigilan si Maggie sa lahat ng sinabi ni Hilda. Makikita ang pag-awang ng mga labi niya tanda ng pagtataka. "E, para saan pala iyong mga annulment papers? Wala naman palang kuwenta, e!" "Para kay Patricia." Muli silang nagkatitigan ng babae. "Sa ngayon, ang alam niya, hiwalay na sila ni Andriano. Kaya naman hindi na siya dapat makabalik, o kahit bumalik pa siya, dapat wala na siyang babalikan." ——— MARAHANG naglakad patungo sa malawak na balkonahe ng pangalawang palapag si Patti. Naroon si Sergio at hinihintay siya. Nakaupo na ito sa harap ng coffee table at nagsisimula nang kumain. "I've been waiting for you for twenty minutes now. Akala ko, hindi ka na bababa." Nahihiya siyang ngumiti bago umupo sa silyang katapat nito. "Pinag-isipan ko nang mabuti ang napag-usapan natin

