MALAPAD na ngumiti ang babae kasabay ng pag-angat ng isang kamay nito, saka kumaway sa kaniya. "Hey, Patti!" Tuluyan itong pinagbuksan ng guwardiya dahil sa narinig na pagtawag sa kaniya. Wala na siyang nagawa nang pumasok ito at lapitan siya. "Ano'ng ginagawa mo rito?" Hindi siya makapaniwala habang nakatingin sa babae. "Ano ka ba? Is that the proper way to greet a friend?" Umarko ang kilay niya nang marinig ang sinabi ng dalaga. "Friend?" "Yeah, we've known each other since we were kids. Duh?" "But that doesn't—" Natigilan siya nang i-angat nito ang palad. "It's so hot in here. Ayaw mo ba akong papasukin sa loob?" Mula sa babae, sinulyapan niya ng tingin ang guwardiya at nakitang nagtataka ito habang nakatingin sa kanila. "Well? Ayaw mo ba akong papasukin?" Umangat ang mga kilay