CHAPTER 2

3114 Words
MULA nang mamatay ang mga magulang namin seven years ago, si Kuya Reon na ang bumuhay sa akin at nagpaaral. Siya na rin ang nagpatuloy sa mga naiwang negosyo ng mga magulang namin. May paupahan kaming isang maliit na apartment at isang chicken restaurant. Pero matagal nang pinasara ni Kuya ang chicken restaurant namin. Hindi ko alam kung bakit, siguro ay dahil hindi na niya kaya pang i-manage, since may mga iba na rin siyang bagong negosyo ngayon na hindi ko naman alam kung ano. Hindi naman kasi niya sinasabi sa akin kung anong klaseng negosyo ba ang mga pinagkakaabalahan niya. Basta umuuwi lang siya sa bahay kapag gusto niya at kapag hindi siya busy, pero matagal na yata ang dalawang araw na pananatili niya sa bahay at umaalis din siya agad. Pero nakaka-miss pa rin talaga na dumaan sa restaurant tuwing uwian sa school para lang kumain ng fried chicken. Madalas ko ’yon ginagawa dati nung nasa elementary pa lang ako, buhay pa sina Daddy at Mommy. Brain tumor ang ikinamatay ni Daddy. Habang si Mommy naman ay breast cancer. Nauna lang namatay si Daddy ng isang taon, at nasaksihan ko kung paano umiyak si Mommy nang halos araw-gabi, naging malungkutin dahil sa pagkawala ni Dad. Hanggang sa pumanaw na rin ito, at naiwan kaming dalawa ni Kuya. I missed them so much. Pero kahit wala na sila, I still consider myself lucky, because I have a big brother who never abandoned his responsibility for me. Every month ay may allowance na binibigay sa akin si Kuya: 20k ang akin, at 42k naman kay Manang for our daily expenses and bills, kasama na roon ang sahod nitong 10k sa isang buwan, at sa driver naman na tagahatid-sundo ko sa school—ang asawa nitong si Mang Jose na 8k naman ang sahod. So bale nasa 70k rin ang pinapadala ni Kuya every month without fail, at bukod pa roon ang mga bayarin ko sa school, siya na rin ang umaasikaso. “Mag-impake ka pagkatapos mong kumain, aalis na tayo bukas ng umaga,” wika sa akin ni Kuya habang kasalukuyan na kaming nagdi-dinner dito sa dining room nang kaming dalawa lang. “Okay po, kuya,” ngiti ko namang pagtango. “Anong oras po ba ang alis natin? At saang bansa po tayo magbabakasyon?” Hindi ko mapigilan ang ma-excite. Matutuloy nga ang bakasyon namin! “Malalaman mo bukas,” maikli lang nitong sagot sa akin na parang hindi man lang excited. Napanguso na lang ako at hindi na nangulit pa. Itong si Kuya ay nakakainis talaga minsan, dahil palagi na lang tipid kung sumagot, at parang madalas lutang kausap. Bihira na nga umuwi rito sa bahay, pero hindi pa makausap ng matino. Well, sanay na rin naman ako na ganito siya lagi. Pero makulit din naman ito minsan at mapang-asar kapag wala siyang magawa, pinagtitripan niya akong paiyakin, tapos susuyuin naman niya pagkatapos. Ibibili niya ng ice cream o kaya kaya paborito kong cake. Gano'n siyang klaseng kapatid, mapang-asar pero malambing. Matapos kumain ay agad na nga akong nag-impake katulad ng utos ni Kuya. Nilagay ko lahat sa dalawang malalaking maleta ang mga gamit ko. Hindi ko alam kung ilang weeks ba kami magbakasyon sa ibang bansa, at saang bansa ba? Anong klaseng weather ang meron sa bansa na pupuntahan namin? Pero bahala na, dadalhin ko na lang lahat ng gusto kong dalhin. Matapos mag-impake ay pinilit ko nang matulog. Hindi pa ako mapakali at pabaling-baling pa ng higa sa kama dahil excited na excited na talaga ako sa bakasyon namin. Sana lang sa dream country ko kami pupunta. Last year sa Canada niya ako dinala, at sana this time, sa malamig na lugar ulit. Pero gusto ko sana sa mga Japan, Korea, o kaya China. Hatinggabi na rin nang makatulog ako, at maaga naman akong nagising. Dahil alas singko pa lang ay kumatok na si Manang Josefa sa kuwarto ko at sinabing magbihis na raw ako dahil aalis na nga kami at naghihintay na sa akin si Kuya sa baba. Napakaaga pa masyado. Akala ko mga 10 pa kami aalis. Kaya naman kahit inaantok pa ako ay dali-dali na akong naligo sa loob ng aking shower room at mabilis na nagbihis pagkatapos. I chose to wear black pants, a burgundy top, a black tweed blazer, and white sneakers. It was a simple outfit, nothing too flashy, but it came together nicely and suited me well. Nang matapos ay lumabas na ako ng room ko habang hila-hila na ang dalawang suitcase na pink and peach. Agad naman akong sinalubong ni Manang at ng asawa nitong si Mang Jose, kinuha na nila sa akin ang mga suitcase ko at pinagtulungan na nilang mag-asawa buhatin pababa ng stairs. Pangiti-ngiti na lang akong napasunod sa kanilang dalawa habang hawak hawak ko pa ang phone ko. Sa kalangitnaan pa lang ako ng stairs ay nakita ko na si Kuya Red na nakatayo sa bungad ng pinto habang nakatalikod at mukhang may kausap sa phone. “Kuya!” masigla kong pagtawag at patakbo nang bumaba ng hagdan, excited na huminto sa tabi ni Kuya. Hinintay ko pa itong matapos sa pakikipag-usap sa phone bago ako muling nagsalita. “I’m ready na po, kuya. Let’s go na!” Tiningnan naman ako nito, pinasadahan saglit ng tingin ang outfit ko bago sumilay ang munting ngisi sa labi at mahina pang umiling-iling bago ako tinalikuran na. Hindi ko tuloy mapigilan ang magtaka. Ang weird lang, parang may kakaiba sa kaniyang ngisi ngayon. Gayunpaman ay napangisi na lang din ako at agad na sumunod palabas ng bahay. Diretso na akong sumakay na ako sa loob ng kotse ni Kuya at naupo sa front seat. Habang sina Manang naman ay sumakay na sa kabilang kotse kasama ang asawa nito at nasa kanila ang mga bagahe ko. “Bunso,” kausap na sa akin ni Kuya nang nasa highway na kami. “Yes po, kuya?” “Pasensya ka na.” Nangunot naman ang noo ko at napatingin sa kaniya. “Ha? Bakit po, kuya? Pasensya saan?” He let out a heavy sigh. Ngunit hindi na ako nito sinagot pa at nag-focus na lang sa pagmamaneho. Napasimangot na lang ako. Ang weird talaga niya ngayon, parang may kakaiba sa mga kinikilos niya. Para bang may gustong sabihin sa akin pero hindi pa kayang aminin. Ano naman kaya ’yon? May problema ba? Gayunpaman ay hindi na lang ako nag-usisa pa at pangiti-ngiti na lang napatingin sa labas. Makalipas ang halos isang oras na biyahe ay huminto na rin sa wakas ang sasakyan namin. I immediately looked out the window, expecting to see the airport, but my brows knitted together the moment my gaze landed on our surroundings. This wasn't the airport, kundi maliit na port na walang katao-tao! What the heck?! Bakit kami rito pumunta? “W-Why are we here, kuya?” I asked, turning to him with a puzzled look. But instead of answering me, he simply stepped out of the car. Napasimangot na lang ako at wala nang nagawa kung ’di bumaba na rin. Saktong dumating na rin ang sasakyan nina Manang at lumabas na rin ito kasama ang asawang si Mang Jose. “Kuya, hindi po ba dapat sa airport tayo pumunta? Pero bakit dito?” I asked again, following him with narrowed eyes. “Don't tell me we’re spending our vacation here in the Philippines po?” Nag-umpisa na akong sumimangot. Huwag naman sana. Pero hindi ako nito sinagot, bagkus ay binuksan lang ang backseat ng kabilang sasakyan at nilabas ang mga bagahe ko, then diretso na nitong binitbit papunta sa dock. Napasunod na lang ang tingin ko. And that’s when I saw it. A sleek white boat was waiting by the pier, gently rocking with the movement of the waves. It wasn't particularly large, but it looked expensive enough to make me wonder how much it cost. Kinutuban na ako at tumingin na kay Manang na ngayo’y binitbit na rin palabas ng sasakyan ang kanilang mga bagaheng mag-asawa. Ibig sabihin ay sasama rin pala pati sila? “Manang, saan po ba tayo pupunta?” tanong ko nang nakasimangot na. Masama na talaga ang kutob ko! “Hindi ko alam, hija. Itanong mo na lang sa kuya mo,” sagot lang nito sa akin na halatang alam naman pero ayaw lang talaga sabihin sa akin. Kaya mas lalo akong napasimangot. Seriously. Why was everyone being so secretive? Saan ba talaga kami pupunta? Bakit sa barko kami sasakay?! No way. I don’t like this! Kaya naman halos magdabog na ako nang sumunod na kay Kuya sa dock. By the time I reached him, he had already loaded most of the luggage onto the boat. After helping Manang aboard, he turned toward me and extended his hand. I looked at it. Pero imbes na tanggapin ay sumimangot lang ako. “No.” Agad na nagsalubong ang mga kilay ni Kuya sa akin. “No?” I frowned. “Saan ba kasi tayo pupunta, kuya? Akala ko po ba magbabakasyon tayo sa ibang country? Pero bakit diyan tayo sasakay? Hindi ba dapat sa airport tayo at eroplano ang sasakyan natin—” Hindi ko na natapos pa ang pagreklamo ko nang pagkalapit nito sa akin ay bigla akong binuhat at ipinatong sa kaniyang balikat na parang sako ng bigas. Sapilitan na ako nitong isinakay sa boat. “Put me down!” Nagmatigas pa ako at sumipa pa sa hangin. “Kuya! Ayokong sumama kung hindi mo naman sasabihin kung saan ba tayo pupunta!” “Stop kicking—you're going to fall!” pagalit pa nitong saway sa akin. “Then put me down!” Despite all my complaints, he carried me onto the boat as though I weighed absolutely nothing. I smacked his back several times in protest, but he didn't even flinch. “Saan ba kasi tayo pupunta, kuya?!” I demanded again as soon as he finally set me down. “Bakit tayo dito sasakay? Bakit hindi po sa eroplano?! Sagutin mo naman ang tanong ko!” “Sa Isla tayo pupunta, doon ka magbakasyon. Next year na lang kita ipapasyal sa ibang bansa—kahit saang bansa mo pa gusto.” Napahinto na ako. I blinked. “Isla?” He nodded. “Yes, sa Isla ka magbabakasyon.” “Ha? P-Pero saang Isla naman po?” “May binili akong Isla. Maganda doon, siguradong magugustuhan mo.” Sa isang iglap ay nagliwanag bigla ang mukha ko. “You mean private island? May sarili kang Isla, kuya? Isla mo talaga? As in pag-aari mo?” “Yes,” he nodded with a suspicious smile. “Ipinangalan ko pa ’yon para sa ’yo. The Blythe Island.” My eyes widened in surprise. “Really?! Oh my god!” Napatalon na ako sa tuwa. “Let's go there! I'm so excited na po, kuya!” He just chuckled softly, ginulo-gulo lang ang buhok ko. “Maupo ka na, aalis na tayo.” “Okay po, kuya!” Naging masunurin na ako at naupo na sa upuan katabi ni Manang. Binuhay na ni Kuya ang makina ng boat at tuluyan na itong pinatakbo palayo ng port. Pangiti-ngiti na lang akong napatingin sa maaliwalas na paligid. Saka ko lang nabigyan pansin ang ganda ng kagaratan na kumikinang pa dahil sa sikat ng araw, and a cool breeze danced through my hair. I couldn’t stop smiling. Ang sarap ng hangin sa umaga, medyo malamig at nakaka-relax. Inabot ng halos tatlong oras bago ko natanaw na ang isang magandang Isla. Muling nagliwanag ang mukha ko nang mapatingin sa buong paligid niyon. Wow. Sobrang ganda! It was breathtaking! Maputi ang buhangin sa buong paligid, at sa gitna ng Isla ay naroon nakatayo ang isang white glass rest house that looked both elegant and modern. Farther inland, near the dense stretch of woodland, a tall lighthouse stood proudly against the sky, watching over the island. Nasurpresa ako sa ganda, hindi na ako makapaniwala. Kay Kuya talaga ang Isla na ’to?! Hindi nga?! I'm sure milyon—bilyon ang bili niya rito? Pero saan naman siya nakakuha ng ganoon kalaking halaga ng pera? Eh hindi naman kami gano'n kayaman?! Pagdaong ng boat sa dock ay ako ang unang bumaba at tumakbo na papunta sa puting buhangin. “Kuya! Ang ganda dito!” I squealed, my voice echoing across the shore. Napangisi lang si Kuya at tinulungan na sina Manang sa pagbitbit ng mga bagahe papasok ng rest house. I didn't bother helping. I was far too busy falling in love with the place. Nagselfie-selfie na ako gamit ang phone ko. The ocean behind me. The white sand. The lighthouse. The rest house. Everything was picture-perfect. I spun around, snapping photo after photo, unable to contain my excitement. “Oh my God!” muli kong pagtili, and I couldn't stop smiling. Halos mapunit na ang labi ko sa kakangiti. Every shot looked amazing. It was impossible to take a bad picture in a place like this! Dahil sobrang ganda ng view! Matapos mag-selfie ay excited ko nang binuksan ang social media account ko, already imagining the flood of reactions I was about to receive. But the smile on my face vanished. Nagsalubong na ang mga kilay ko nang makitang wala palang signal! “No way.” I raised my phone higher. Pero wala pa rin. I walked a few steps. Nothing. I turned airplane mode on and off. But still nothing. Damn. Wala pa ring signal kahit anong gawin ko! “Kuya!” malakas ko nang pagtawag at tumakbo na papunta sa rest house. By the time I reached inside, I was slightly out of breath. Because the house was farther from the shore. “Wala palang signal dito sa Isla, kuya!” bulalas ko pagkapasok. “Hindi ako makapag-online!” “Mas maganda nang walang signal para hindi ka makapag-online at baka kung sinu-sino pa ang mag-chat sa ’yo, malaman pa kung nasaan ka,” sagot ni Kuya sa akin nang hindi man lang ako tiningnan, pero hindi ko naman masyadong narinig dahil bukod sa mabilis ang pagkakasabi niya ay mahina rin at muli na niyang kinausap si Manang na parang may kung anong sinasabi pero hindi ko na pinakinggan pa. “A-Ano po ’yon, kuya?” Pero hindi na ako nito pinansin. Hanggang sa natapos kausapin si Manang at diretso nang lumabas ng rest house, nilampasan lang ako. Agad naman akong sumunod. “Hoy, kuya!” “Ang sabi ko,” he repeated as he walked, “mas okay na walang signal para ma-enjoy mo ang bakasyon mo rito sa Isla.” I stared at him as though he had just suggested something absurd. “P-Pero po, kuya, paano ako makakapag-open ng mga social media account ko nito?” reklamo ko habang patuloy pa rin ang pagsunod sa kaniya. “Paano ako makakapag-chat sa mga friends and classmates ko?” Nakakainis lang dahil ang bilis niyang maglakad! “Hindi ka naman habang buhay mananatili sa Isla na ’to. Basta habang wala ka pang pasok, dito ka na muna manatili.” Agad na nangunot ang noo ko at naguluhan na sa kaniyang mga sagot. “What do you mean po? Ilang araw ba tayo rito?” “Susunduin na lang kita sa pasukan.” I stopped walking. “A-Ano po, kuya?” “And I might transfer you to another school,” he added. I stared at him in disbelief. Hindi naman siguro ako nagkamali lang ng dinig?! “W-Wait po!” I hurried after him. “What do you mean po ba, kuya? I don't understand what you're talking about po!” He kept walking. “Exactly what I said. Dito ka lang habang wala pang klase.” Namilog na ang mga mata ko. “Ha? T-Teka lang, ibig sabihin aalis ka rin agad? Iiwan mo kami rito nang kami lang nina Manang?” “Oo, dadalawin ko na lang kayo rito once a week kapag hindi ako busy.” “No! You can’t do that, kuya!” Mabilis ko na itong hinawakan sa braso para sana pigilan pero inagaw lang ang kamay sa akin at nagpatuloy sa paglalakad paakyat sa dock. “Ayoko! Hindi ako papayag na iiwan mo rito! Hindi ako mabubuhay nang walang signal!” sunod-sunod ko nang pag-iling at nabahala na, dahil mukhang hindi siya nagbibiro. “Puro ka na lang social media,” asik pa nito bago tumalon na pasakay sa boat. “Mag-study ka na lang habang narito ka para maging matalino ka sa pasukan.” “No!” marahas kong pag-iling. “Ayokong iwan mo rito! Sasama ako sa ’yo pabalik! Ayoko rito dahil walang signal! Maiinip lang ako dito!” I rushed forward. But before I could climb aboard, he pulled up the ladder. The metallic clang echoed like a prison gate slamming shut. Then binuhay na niya ang makina ng boat. Doon na ako nagsimulang mag-panic. “Kuya! Huwag! Sasakay po ako! Ayokong maiwan dito!” Ngunit hindi na ako nito sinagot pa o kahit tiningnan, dahil pagkabuhay ng makina ay tuluyan nang pinaandar ang boat paalis. “No! Kuya! No! Come back here!” malakas ko nang pagsisigaw na tuluyan nang natataranta. “Huwag mo akong iiwan dito, kuya! Bumalik ka po! Hoy!” Akala ko ay binibiro lang ako nito at pababalikin pa rin ang boat. Ngunit hindi, dahil tuluyan nang pinatakbo palayo. Kaya mas lalong lumakas ang pagsisigaw ko, hanggang sa tuluyan na akong umiyak dahil lumiliit na sa paningin ko ang boat. “Salbahe kang kapatid!” galit ko nang sigaw sa garalgal na boses habang umiiyak. “Ayoko na sa ’yo! Sinungaling ka! I hate you! Huwag ka nang bumalik pa dito! Ayoko nang makita ka pa, kuya! Salbahe ka! Hindi mo ako puwedeng iwan dito! Ayokong magtagal dito! Kuya!!! Bumalik ka!!!” Namaos lang ang boses ko sa kakasigaw pero walang kuya na bumalik. Hanggang sa tuluyan na akong humagulgol na parang batang iniwan ng mga magulang. “Hija, huwag ka nang umiyak pa,” mabilis na paglapit sa akin ni Manang na may pag-aalala na. “Babalik naman ’yon dito ang kuya mo.” “Hindi po! Sabi niya kapag may pasok na bago niya tayo sunduin dito! Ayokong pong magtagal dito na wala naman palang signal! Please, Manang! Tawagan niyo po siya at pabalikin dito!” iyak kong pagmamakaawa at humawak pa sa mga braso ni Manang na napabuntonghininga na lang sa akin at parang hindi na rin alam ang gagawin kung paano pa ako patahanin. “Hay naku, hija. Wala tayong magagawa kundi maghintay na lang. Kaming mag-asawa ay sumusunod lang naman sa utos ng kuya mo dahil ’yon ang trabaho namin at siya ang nagpapasahod sa amin.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD