CHAPTER 3

2778 Words
TATLONG ARAW ang lumipas at nasa Isla pa rin kaming tatlo nina Manang. Hindi na ako masaya kahit magandang view ang bumubungad sa akin tuwing labas ko ng rest house. Wala nang epekto sa akin. Aanhin ko naman ang magandang view kung wala rin naman saysay, dahil wala namang signal. Nakakatakot din sa gabi dahil madilim sa labas, ang tanging ilaw lang ay sa loob ng rest house at labas, pero sa malayo ay hindi na abot pa ng liwanag. Maaga rin kaming natutulog nina Manang, alas otso pa lang ay tulog na sila, habang ako ay hirap makatulog dahil dinidibdib ko pa rin ang pagkulong sa akin dito sa sila. Sa solar lang din nakakonekta ang ilaw namin, kaya sa solar lang ako nagcha-charge ng phone na hindi ko naman na masyadong nagagamit. Ang ginagawa ko ay nakikinig na lang ng music para hindi maboring, kahit boring naman talaga buong araw. Hindi ako makapaniwala na nakaya akong abandonahin ni Kuya sa ganitong klaseng lugar. Paano na lang kung may emergency? Paano namin siya matatawagan? Ano hahayaan na lang niya akong mamatay? Hindi ba niya naisip ang gano’n? Anong pumasok sa kukuti niya para abandonahin kami rito? Hindi naman problema sa pagkain dahil maraming stocks. Puno ang dalawang freezer ng mga meat at iba’t ibang frozen foods, puno ang tatlong refrigerator ng mga drinks, at puno rin ang mga cabinet sa kitchen ng mga snacks. Even the storage room was stacked with food, toiletries, and sacks of rice. Everything we needed was already there. Aabot kahit isang taon pa ang mga pagkain kung kaming tatlo lang nina Manang. Sa tubig naman ay wala ring problema, dahil may gripo na konektado raw sa kuweba sabi ni Manang. May maliit na kweba pala sa likod ng Isla. Gusto ko sanang pumunta, kaso bawal daw at baka may mga makamandag na ahas doon, kaya hindi na lang ako nagpumilit pa. Mahirap nang makagat ng ahas tapos walang mahingian ng tulong dahil wala naman signal. Ngayon ay kasalukuyan na kaming nag-aalmusal nina Manang dito sa labas ng rest house. Pandesal na may pancit at kape ang almusal namin, si Manang mismo ang gumawa ng pandesal. “Manang, kailan po ba tayo susunduin dito ni Kuya?” tanong ko habang puno pa ng tinapay ang bibig ko. “Hanggang kailan po tayo mananatili rito?” “Hindi ko rin alam, hija. Basta sabi ng kuya mo ay susunduin niya raw tayo rito kapag okay na ang lahat. Kapag may pasok ka na.” I frowned. Kapag may pasok na? Aba, ibig sabihin ay buwan pa ang itatagal ko sa Isla na ’to?! “What do you mean po na kapag okay na ang lahat? May malaking problema po ba si Kuya at kailangan niya akong itago sa Isla na ’to? May pinagkakautangan po ba siya at hindi niya kayang magbayad?” “Hindi ko rin alam, hija. Hintayin na lang natin na sunduin tayo ng kuya mo rito.” Tanging pagsimangot na lang ang nagawa ko sa sagot ni Manang na parang hindi naman big deal sa kaniya kahit ilang buwan pa kaming makulong sa Isla na ’to. “Salbahe talaga siya para ikulong tayo rito nang matagal,” simangot kong reklamo habang patuloy ang pagkain ng pancit. “Tapos ganitong Isla na ang layo, wala tayong mahingian ng tulong kapag may problema. Paano na lang po kung may isa sa atin na sumakit ang tiyan? Ano titiisin na lang natin at hintayin ang pagbabalik niya na hindi natin alam kung kailan? Baka pagbalik niya rito ay patay na ang isa sa atin. Patay na tayong tatlo.” “Hay naku naman bata ka, kumain ka na nga lang at baka mabulunan ka pa. Huwag mo nang isipin pa ang ganiyan. Babalik din ang kuya mo, sinabi na niya sa ’yo na babalik siya para dalawin tayo pagkatapos ng isang linggo.” “Kapag talaga bumalik siya rito, hindi ko na siya papansinin pa. Salbahe siya. Pasalamat siya kapatid ko siya at mas matanda siya kaysa sa akin, dahil kung hindi? Naku, talagang sasampalin ko siya hanggang sa mamaga ang pisngi niya.” Natawa na lang si Manang at napailing-iling kasama si Mang Jose dahil sa sinabi ko. Matapos namin mag-almusal ay naglakad-lakad na lang ako sa dalampasigan at namulot ng mga seashells para sana gawing anklet, dahil ito lang ang alam ko na puwede kong pagkaabalahan habang narito sa Isla, para hindi naman ako mamatay sa lungkot. But after gathering a few pieces, I stared at the shells in my hand and suddenly lost interest. With a frustrated sigh, I tossed them back onto the sand. Sa huli ay mas pinili ko na lang maligo sa dagat nang mag-isa. “Kuya! Salbahe na kuya!” malakas kong pagsisigaw habang nakatayo sa dagat na hanggang baywang lang ang lalim. “Ayoko na sa ’yo, kuya! Sasakalin kita pagbalik mo rito!” Umalingawngaw ang boses ko sa buong paligid ng Isla. Natuwa naman ako, dahil kahit papaano ay nailabas ko ang inis ko sa pamamagitan ng pagsigaw. Ang sarap pala talaga sumigaw rito, dahil walang magagalit kahit mag-ingay pa ako. Kaya susulitin ko na lang ’to! “Salbahe ka, Redion! Ang baho ng pangalan mo!” Natawa na lang ako matapos isigaw ’yon, at muli na akong sumisid sa dagat. Nakabantay naman si Manang sa akin habang nakaupo sa upuan sa labas ng rest house, at ang asawa naman nitong si Mang Jose ay nakahiga sa duyan. Hinayaan lang nila akong dalawa, pero alam kong natatawa sila habang pinapakinggan ang pagsisigaw ko at pinapanood ako. Nang mapagod sa kakasigaw at tampisaw sa dagat ay umalis na ako at naligo na sa bathroom na nasa labas lang ng rest house. Nakasuot na ako ng bathrobe nang lumabas na ako at pumasok ng rest house. Pagkapasok ko sa kuwarto ay agad na akong pumili ng masusuot. Isang sleeveless yellow floral maxi dress ang napili ko. Sinuklay ko lang ang hanggang baywang kong buhok na medyo kulot. Nang matapos ay sinuot ko na ang aking white flat sandals at lumabas na ako muli ng rest house. “Magluluto na ako ng ating tanghalian,” wika ni Manang na tumayo na mula sa pagkakaupo at tumingin sa akin. “Anong gusto mong ulam ngayon, hija?” “Beef broccoli na lang po, Manang,” sagot ko at akmang mauupo na sa kabilang duyan pero napahinto ako nang aksidenteng mapatingin sa karagatan at may kung ano'ng natanaw mula sa malayo. “Teka po . . . parang may paparating po, Manang. Look!” Mapaturo na ako. Napahinto naman si Mamang sa akmang pagpasok sa rest house at sinundan ang itinuro ko, pati na si Mang Jose ay napatingin na rin. “Aba eh, oo nga ’no,” sang-ayon ni Mang Jose. “Ayan, bumalik na rin sa wakas ang kuya mo,” wika ni Manang na natawa na lang, parang nakahinga na nang maluwag. Doon na nagliwanag ang mukha ko. “Oh my God—finally! Kuya!” sigaw ko na sabay talon at kaway papunta sa kagaratan. Hanggang sa hindi ko na natiis pa at tuluyan na akong tumakbo sa buhangin. “Naku, hija! Mag-iingat ka at baka madapa ka!” sigaw na paalala pa sa akin ni Manang na natawa lang bago pumasok na ng rest house kasama si Mang Jose. Hindi ko na sila nilingon pa at diretso lang akong tumakbo. “Kuya! Kuya ko!” patuloy kong pagsisigaw-sigaw habang tumatakbo at napapatalon-talon pa sa buhangin na parang paslit. Hanggang sa tuluyan na akong nakaakyat ng dock at mas binilisan ko ang pagtakbo habang hawak-hawak pa ang dulo ng dress ko para hindi ako madapa. Parang nakalimutan ko na ang galit ko at nakangiti nang huminto nang marating na ang dulo ng dock. Hapong-hapo na ako at agad na nakapamaywang. “Bumalik ka rin, ha? Lagot ka sa akin ngayon,” pangisi-ngisi ko nang bulong. Balak kong sipain siya kapag umakyat na sa dock para mahulog sa dagat at makaganti naman ako sa pag-iwan niya sa akin dito sa Isla. Pero ang ngiti ko ay unti-unting naglaho nang makalapit na ang jet ski at nakitang hindi pala si Kuya ang sakay. Isang lalaking nakasuot ng gray shorts and white shirt na nakabukas pa ang tatlong butones. Nasilaw pa ako nang tumama ang araw sa kaniyang suot na luxury wristwatch and the reflection flashed straight into my eyes. Hanggang sa tuluyan na itong nakalapit sa dock at hininto na ang jet ski. Napakurap na lang ako at disappointed na, dahil hindi nga talaga si Kuya! “I-Ikaw . . .” nasambit ko na lang na parang hindi na makapaniwala. Walang iba kundi ’yong nagpakilala sa akin na kaibigan siya ni Kuya! Umakyat na ito ng dock, at nang makatayo na sa harap ko ay tiningnan na ako. “It’s nice to see you again, sweetheart,” ngiti na nitong bati sa akin sa malambing na boses at binuksan na ang mga braso na para bang inaasahan niya na tatakbo ako sa kaniya para salubungin siya ng mahigpit na yakap. Pero bakit ko naman gagawin ’yon? Hindi ko naman siya kapatid, at ’di rin naman kami close. At isa pa, sabi ni Kuya ay hindi naman pala niya kaibigan ang lalaking ’to! “A-Ano po ang ginagawa mo rito?” I asked, my eyebrows furrowed. Nang makita nito ang reaksyon ko na hindi masaya sa pagdating niya ay unti-unti nang nawala ang ngiti sa labi at binawi na ang pagbukas ng mga braso. I stepped back slightly as he slowly moved closer, his hands now tucked into the pockets of his shorts. “Why are you reacting like that, sweetheart?” he asked softly. “Aren’t you happy to see me again?” Agad naman akong umiling. “Hindi,” diretso kong sagot. “Ang sabi ni Kuya sa akin ay hindi ka naman daw niya kaibigan.” His brow lifted slightly, almost amused. “Ah . . . that,” he let out a low chuckle. “That’s because he’s angry at me. May utang siya sa akin na 150 million. At nang singilin ko? Ayon nagalit . . . ayaw niya na raw ako maging kaibigan.” Napahinto naman ako at nanlaki na ang mga mata. “P-po? Gano'n kalaki ang utang ni Kuya sa ’yo?!” gulat kong bulalas na napasinghap pa. “Yes,” he answered simply, nodding once. “One hundred fifty million. Katunayan ay hindi na niya kaya pang bayaran, kaya mas pinili na lang magalit sa akin at ayaw na raw niya ako maging kaibigan pa.” Hindi na ako makapaniwala at napakurap na. Hindi ko na alam pa ang isasagot. May utang si Kuya nang gano'n kalaking halaga?! Ano naman ang ginawa niya sa perang ’yon at umabot ng gano'n ang utang niya?! Napatingin ako nang nilahad na ng lalaki ang isang kamay nito sa akin. “Come with me, sweetheart. Samahan mo akong kausapin ang kuya mo para magbayad na sa akin.” Napalunok na ako na naguluhan na. Sasama sa kaniya? Kailangan ko bang sumama? Pero paano kung nagsisinungaling lang pala ang lalaking ’to? “Ah h-hindi po ako puwede sumama sa ’yo. Magagalit si Kuya kapag umalis ako rito—” “Alright,” he said calmly, cutting off my refusal before I could say anything else. “Then I’ll have my lawyers file a criminal case against your brother.” Nanlaki na ang mga mata ko. “H-Huwag po! Huwag mong ipakulong ang Kuya ko!” Marahas akong umiling at kinain agad ng takot. “Then come with me.” Muli nitong nilahad ang isang kamay sa akin. I swallowed hard again. “S-Sige po, sasamahan ko kayong kausapin siya. P-Pero . . . sabi po kasi ni Kuya . . . you're extremely dangerous.” He let out a dry laugh. “Of course he did, honey. Men tend to call me dangerous when they owe me money. And your brother owes me a fortune. I gave him respect. I gave him time. But somehow, I’m the bad guy for asking to be paid.” Napalunok ulit ako at hindi na alam ang isasagot. Mukhang hindi naman nagsisinungaling ang lalaking ’to. He took another step closer. “So tell me, who's really the dangerous one? The man collecting his money . . . or the man who thinks he can take it and walk away?” Napakagat ako sa aking labi na medyo nanginig na ng konti sa kaba. “H-Hindi naman po kayo nagsisinungaling, ’di ba?” A dark chuckle escaped him. “Bakit, mukha ba akong sinungaling sa paningin mo?” sarkastiko nitong sagot sa akin na parang may halo nang inis pero pilit pinipigilan. “And what exactly would I gain from lying to you, sweetheart?” Hindi ako nakasagot at napatitig lang sa mukha nito. Sandali kong pinag-aralan ang kaniyang ekspresyon na ngayon ay unti-unti nang kumunot ang noo sa akin na para bang hindi agad nagustuhan ang pagtitig ko sa kaniya na puno ng pagdududa. “So?” tanong na nito sa akin habang salubong na ang mga kilay at nakalahad pa rin ang isang kamay sa akin. “Have I passed your little test?” Mahina na akong umiling sa kaniya. “S-Sorry po, hindi ako puwedeng sumama sa ’yo,” ngiwi kong sagot nang mahina lang at bahagya nang umatras. “Kasi kabilin-bilinan po ni Kuya na mapanganib ka raw.” Hindi ko na hinintay pa itong makasagot at mabilis na akong tumalikod para sana tumakbo na pabalik ng rest house. Ngunit bago ko pa magawa ay mabilis na nitong hinuli ang baywang ko at hinila ako pabalik, dahilan para tumama ang likod ko sa kaniyang katawan, at pag-angat ko ng tingin ay agad na nagtama ang mga mata namin. Napakurap ako, pero bago pa ako makapag-react ay bigla na lang ako nitong tinulak. “Ah!” Malakas pa akong napatili sa gulat bago tuluyang nahulog at bumagsak sa ilalim ng dagat. Ilang segundo akong nakalubog bago nakaahon at habol ko na ang aking paghinga. Panic surged through me as I thrashed toward the dock ladder. But before I could reach it, may isang braso na ang bigla na lang pumulupot sa kili-kili ko at sa isang iglap ay naangat ako mula sa dagat. I barely had time to react. Namalayan ko na lang na nakaupo na ako sa harap ng jet ski, at bago pa ako makapalag ay mabilis na itong umandar palayo ng dock. “H-Hindi! Hindi po ako sasama sa ’yo!” I fought against him despite the seawater burning in my lungs and the coughs tearing through my chest. “Ibalik mo po ako! Ayoko sabing sumama sa ’yo!” Naiyak na rin ako sa takot habang pilit na nagpupumiglas. But it was useless. Hinigpitan lang ng lalaki ang pagyapos ng isang braso sa baywang ko at patuloy pa rin pinatakbo ang jet ski gamit lang ang isang kamay. The jet ski surged across the water, carrying me farther and farther away from the island. “Manang! Manang, tulungan niyo po ako!” Nagsisigaw pa rin ako habang pilit na binabaklas ang braso sa pagyakap sa akin. Ngunit nagulat na lang ako nang sa isang iglap ay biglang tumilapon ang katawan ko sa dagat. Lumubog ako muli sa ilalim, at sa aking pag-ahon ay gano'n na lang ang paglaki ng mga mata ko sa takot at taranta nang makitang nasa kalangitnaan na ako ng karagatan, hindi ko na matanaw pa ang dock dahil nasa likod na pala kami ng Isla! “Tulong! Manang, tulungan niyo po ako!” taranta kong pagsisigaw at hindi na alam kung saan na ba dapat lumangoy. Taranta at takot na ang aking naramdaman. Hanggang sa napatingin ako sa lalaking sakay ng jet ski na ngayo'y nakatingin lang sa akin nang seryoso. “Kung ayaw mong sumama sa akin, pwes ipapakain na lang kita sa mga pating.” Namilog ang mga mata ko sa sinabi nito at mas lalong kinain ng takot. “Huwag! Huwag po maawa ka sa akin! Sasama na ako sa ’yo kahit saan!” sigaw ko na may kasama nang pag-iyak at marahas na pag-iling. “M-Maawa po kayo sa akin, please!” Napangisi ito at pinaandar na ang jet ski palapit sa akin bago ako muli nang dinampot. “Tsk. Crying baby,” mahina pang asik nito bago niyapos nang mahigpit ang isang braso sa katawan ko at pinatakbo na ang jet ski palayo. Tanging pag-iyak na lang ang nagawa ko at pilit pang lumingon, pero talagang hindi ko na makita pa ang dock, at ang Isla ay unti-unti nang lumiit sa paningin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD