WALA PA RING IMIK si Temarrie hanggang sa makarating sila ni Jubei sa isa sa mga rest house na pag-aari nito. Doon sila mananatili habang naroon sila sa Stallion Riding Club para selebrasyon ng kaarawan ni Reid.
“We have a problem.” Nakatayo sila ni Jubei sa pinto ng nag-iisang kuwarto roon. “Nag-iisa lang din ang kuwarto at kama rito.”
“Wala ka na namang guest room?”
“Oh, you’re talking again. Akala ko hindi ka na talaga magsasalita.” Pumasok ito ng silid at inayos ang mga una at kumot doon. “I keep myself private, kaya wala akong guest rooms sa mga pag-aari kong mga bahay.”
“Madamot ka kamo.”
“I’m just not ready to share my house to anyone.”
Nawalan na naman ng imik si Temarrie. Wrong timing talaga ang naging pag-eksena niya sa buhay nito. Pero kasalanan ba niya iyon? Ito naman ang lumapit sa kanya at hindi niya ito pinilit. Pumasok na rin siya sa loob ng silid. Laking gulat niya nang lumapit si Jubei sa kanya at akbayan siya.
“So, anong gagawin natin sa problema nating ito?” tanong nito. Idinikit nito ang mukha nito sa ulo niya. “Matutulog ka uli sa sahig? O magbabato-bato pick na muna tayo para makapili kung sino ang makakakuha sa kama?”
Advicing her heart to calm itself, inalis niya ang braso nito sa balikat niya. “Tinatamad akong maglaro. Matutulog na lang uli ako sa sahig.”
“You can’t sleep on the floor, Temarrie. Masyadong malamig ang panahon dito, lalo na sa madaling araw.”
“Sa sofa na lang sa sala.”
Napabungtunghininga na lang ito. “Tapos ano? Gagapangin mo na naman ako?”
“Ang kapal mo! Hindi mangyayari iyon, ‘no?”
“Ah, so umamin ka rin.”
“It was just one time. At…at nag-i-sleepwalk ako nun.” Ano bang klaseng palusot iyon? Ang pangit! Kahit siya ay masusuka sa alibi niyang iyon.
Pero wala ng sinabi pa si Jubei. Bagkus ay dinampot na lang nito ang mga unan at kumot. “Sige na nga. Dito ka na. Doon na lang ako sa sofa sa sala,”
“Bakit doon ka? Akala ko ba hindi ka natutulog sa hindi mo kama?”
“If it is, I would still be a virgin right now.” Nakakaloko pa itong ngumiti saka siya kinindatan.
Nagrambulan tuloy nang wala sa oras ang mga imaginary animals sa dibdib niya sa lakas ng t***k niyon.
“Kung gusto mong magpahinga, magpahinga ka na,” wika nito habang palabas ng silid. “May pupuntahan lang ako.”
“Si Rumina?”
Napahinto ito sa paglalakad at lumingon sa kanya. “Why do you ask? Akala ko ba wala tayong pakialamanan sa personal na buhay ng isa’t isa?”
Inismiran lang niya ito. “Fine. E di huwag mong sagutin.”
Sumampa siya sa kama at mariing ipinikit ang kanyang mga mata upang mapigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha. Nakakainis! Bakit kailangang dumating pa ako sa ganitong sitwasyon? Ayoko nito! Ayok ng gulo! Ibalik ninyo ako sa Pilipinas!
“May match lang kami ng mga kasamahan ko sa race track,” narinig niyang wika ni Jubei. Hindi pa pala ito nakakaalis. “Baka gabihin na kami roon. Iiwan ko rito sa estante ang SRC card ko. Ito ang gamitin mo kapag kakain ka sa kahit na anong restaurant dito. O kung may matipuhan kang bilhin. They will charge it to my account, don’t worry.”
Tumango lang siya.
“Temarrie, are you okay? Kanina ko pa napapansin na parang wala ka sa mood. You barely talked to me.”
“I’m fine. Tinatamad lang akong magsalita. Umalis ka na. Baka hininihintay ka na nila roon.” Baka hinihintay ka na ni Rumina. Ang isipin na muling magkakasama ang dalawa ay parang hindi na niya matanggap. Kanina lang ay hindi na halos siya nito pinansin, tapos ngayon ay magkikita na naman sila? Nagrebelde na ang puso niya.
Mabilis siyang bumangon at sinundan ang lalaki sa labas. Naabutan naman niya itong kasasakay lang sa itim na itim nitong kabayo. He looked absolutely immaculate in his riding uniform, especially now that he was riding that magnificent horse. Malakas na talaga ang paniniwala niyang mahal na niya ito.
“Jubei!” Nilingon siya nito. I love you! Please, huwag kang umalis! “Masakit ang tiyan ko!”