CHAPTER 16

563 Words
“MAY CLINIC ang club na kumpleto ang facilities.  Are you sure you don’t want me to bring you there?  Para lang makasiguro tayo sa lagay ng sikmura mo. Baka kasi kung ano na iyan.” “Okay lang ako.” Natupad ang dalangin ni Temarrie na manatili sa lodging house kasama niya si Jubei.  Ngayon ay paninindigan na niya ang kanyang pagkakasakit.  “Siguro ay hindi lang naging maganda ang dating ng ininom kong pineapple juice pagdating natin kanina.  Kaya sumama ang pakiramdam ko.”  Nakahiga na siya ngayon sa kama at inaasikaso ni Jubei.  Ang lakas pa ng loob niyang umarte ng tila hinang-hina.  “Nakainom na ako ng gamot kaya siguro hihintayin ko na lang na umipekto ang bisa nun.” “Bakit kasi uminom ka ng pineapple nang walang laman ang tiyan mo?” “Wala lang.  Trip.” Ang mga daliri nitong humahaplos sa kanyang buhok ay dumako sa pisngi niya at mahina siyang kinurot.  “I hope you learned your lesson well.” “Aray.  Bakit nakakurot ka pa?” “Wala lang.  Trip.” Natawa lang siya.  Jubei was beside her on the bed, lovingly stroking her hair while she leaned comfortably on his broad chest.  She felt even better.  Siguro kahit cancer pa ang maging karamdaman niya ngayon, hinding hindi niya mararamdaman ang sakit na dulot niya habang narito sa kanyang tabi si Jubei. “Hindi ka ba hahanapin ng mga kaibigan mo roon?” tanong niya. “Hindi.  Matutuwa pa nga ang mga iyon dahil mababawasan ang kalaban nila.” “I like your friends.  Mababait silang lahat.” “Ikaw lang ang nagsabi niyan.  Karamihan sa mga babaeng nakakasalamuha ko rito, ang sinasabi nila ay mga guwapo kaming lahat.” “Hindi naman kayo mayayabang ng lagay na iyan?” “Hindi naman.  Totoo naman iyon, hindi ba?” “Hmmm, puwede na.” “Magagalit ang mga iyon kapag nalaman nilang idini-deny mo ang katotohanang iyon sa kanila.” “Bakit ikaw, hindi nagagalit?” “Because I’m confident that I’m handsome enough for your eyes.” “Ha?” “I always caught you looking at me, Temarrie.  Don’t think I didn’t notice.” Oh, my God!  Lumayo siya rito ngunit napigilan siya nang ikulong siya nito sa mga bisig nito.  At dahil nakahiga siya, mas lalong naging mahirap para sa kanya ang makawala rito. “Where are you going?  Hindi ba’t may sakit ka?  So, stay put.” “M-magaling na ako.” Hindi pa rin siya nito pinakawalan.  “You really don’t like confrontations, do you?  Sige, pagbibigyan kita.  Ngayon.  Sa susunod, Temarrie, you better be ready dahil talagang hindi na kita pakakawalan hanggang hindi ka nagsasabi sa akin ng totoo.” “A-anong ibig mong sabihin?” “Nothing.”  Hinila na siya nitong muli sa dibdib nito.  “Let’s just stay this way for a while, shall we?  Inaantok na rin naman ako.” So, there.  For a while, kanyang-kanya lang si Jubei.  And she thought there was nothing else she could ever asked for.  Masaya siya sa piling nito.  At matagal-tagal pa bago matapos ang anim na buwan.  Halos isang linggo pa lang silang mag-asawa ni Jubei.  At ipinangangako niyagn susulitin niya ang bawat araw na iyon na kasama ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD