“THIS IS SHADOWRUN.” Jubei gently brushed the magnificent horse’s glossy mane. “He’s four years old. I’ve had him since he was a colt.”
“I never thought I’d say this, pero ang ganda ng kabayong ‘to.” Siya man ay nakigaya sa ginagawa ni Jubei na paggu-grooming sa kabayo nito.
Matapos maghapunan kanina ay niyaya siya nito sa kuwadra sa likuran ng bahay nito. Doon daw nito itinatali ang kabayo kapag naroon siya sa club. Kapag wala naman, doon sa kuwadra sa club mismo nito iniiwan ang alaga para maasikaso ng mga stable staffs ng club.
“Kaya lang bakit ang haba ng buhok niya at meron pa siyang excess hairs binti niya?”
“Typical characteristics iyan ng isang Friesian horse. Ang lahi nila ang talagang pure black. Kung meron mang ibang color spot sa kanila, iyon e ang maliit lang na star sa noo nila.”
“Pero bakit itong si Shadowrun walang puting star sa noo?”
“Mas maganda nga na wala siyang star. Mas mataas ang marketability niya kaysa doon sa meron kapag naisipan kong ibenta siya.”
“Ibebenta mo siya?”
“Sinabi ko lang na kapag naisipan ko. Pero hindi wala akong balak ibenta si Shadowrun. He’s been my constant friend and I never let go of a friend. You want to ride him?”
“Ayoko. Takot ako sa height.”
“Come on. Mabait naman si Shadowrun. Magaling ang nagturo sa kanya.”
“Sino?”
“Ako.”
“Yabang mo.”
Tumawa lang ito saka walang kahirap-hirap na sumampa sa likuran ng kabayo. “Are you sure you don’t want to try riding him? Mami-miss mo kalahati ng buhay mo.”
“No thanks. Mas kumportable akong nakatapak sa solidong lupa.”
“Kung ganon, magiikot-ikot lang kami sandali. Okay ka lan talaga dito?”
Tumango lang si Temarrie at pinanood ng buong paghanga ang pagpapatakbo ni Jubei sa malaking hayop na iyon. Malawak at patag naman ang harapan ng bahay nito kaya doon na lang ito nagpaikot-ikot imbes na magtungo pa sa indoor arena ng club. Kinuha niya ang kanyang cellphone at kinuhaan ito ng video. He really looked perfect, even without his riding uniform.
Sana’y lagi na lamang silang ganito ni Jubei. Nag-iisa sa sarili nilang mundo. Walang anim na buwan na palugit ng kasal, walang ipi-please na mga magulang, walang pinagrerebeldehang pamilya, walang Rumina Alcaraz. Masaya naman sila, hindi ba? Nakikita niya sa lalaki na masaya rin naman ito sa kanya. Tumayo siya at lumapit pang lalo rito upang mas makuhaan ito ng magandang larawan sa kanyang camera. Kahit man lang sa ganong paraan, magkaroon siya ng souvenirs dito.
Huminto ang kabayo sa harap ni Temarrie at inilahad ni Jubei ang kamay nito sa kanya. He was trying to convince her to ride with him once again.
“It will be alright, Temarrie. Gusto ko lang ipakita sa iyo ang isa ko pang mundo.”
“Are you saying na may ibang dimension ka pang pinupuntahan bukod sa lugar na ‘to?”
“Come and you be the judge.”
Hindi niya alam kung paano siyang napapayag ng mga munting salita nito. Ngunit namalayan na lang niyang tinanggap na niya ang kamay nito at ilang sandali pa ay umangat na ang mga paa niya sa lupa. And then she was up on the magnificent black horse, with Jubei securing her from behind.
“Huwag mong patatakbuhin si Hollowman, Jubei. Natatakot ako.”
He chuckled. “Halata nga. Nakalimutan mo kasing bigla ang pangalan ni Shadowrun.”
“O, basta! Huwag mo siyang patatakbuhin.”
“Yes, Misis.”
Naglakad nga lang nang naglakad ang kabayo hanggang sa ma-relax siya. Nakahinga siya nang maluwag.
“Your hair is as as black as Shadowrun’s.”
May kakaibang kilabot na gumapang sa buong katawan ni Temarrie nang maramdaman ang mainit na hininga ni Juebi na malapit sa kanyang tenga. Lalo na nang mapansin na nakayakap na pala ang mga braso nito sa kanya habang hawak nito ang renda ng kabayo. He had placed his chin on her shoulder. Dumagundong ang kaba sa dibdib niya.
“This is my other world, Temarrie. The one that has no limits, no restrictions, no boundaries. Ito ang mundo ko kung saan malaya ko ng nararating ang kahit anong lugar na gustuhin ko at magagawa ko ang anomang gustuhin ko. Dito ko lang nararamdaman kung paano talaga ang maging masaya.”
“Sa piling ng kabayo mo?”
She heard him chuckled and felt his soft lips touched her shoulders. “Sa piling mo.”
“Ano iyan, ‘yung parang sa telenovela sa tv? ‘Yung—“
“Temarrie.”
“Sorry.”
“Narinig mo ba ang sinabi ko?”
Actually, hindi gaano. Dahil halos mabingi na siya sa lakas ng t***k ng kanyagn puso. She had heard him alright. Hindi nga lang siya sigurado kung tama ang pagkakarinig niyang iyon. Pero hindi na bale, basta masaya na siya sa narinig niya, panaginip man iyon o hindi. Just as long as she had Jubei with her.
“Patakbuhin mo na si Shadowrun, Jubei.”
“Ha?”
“Patakbuhin mo na siya. Gusto kong ring makaranas maging henete kahit isang beses sa buhay ko.”
“Are you sure? Akala ko ba natatakot ka?”
“Hindi na.” Isinandal niyang lalo ang katawan niya sa katawan nito. “Huwag mo lang ako hahayaang mahulog.”
“I won’t,” bulong nito. “I promise.”
And off they go.