S2 Chapter 21

1224 Words

Nagpapabalik-balik ang tingin ko ka Lola, kela Nurse Gio and Jiro. Ang hindi ko lamang mapagbalingan ay ang kapatid kong tahimik paa rin at hindi ko kariringgan ng kahit na ano. Naramdaman kong naglandas ang kanang kamay ni Lola mula sa pisngi ko papunta sa aking tenga, ikinipit doon ang tumakas na buhok. "Mga Apo ko kayo. Sinong nagsabing hindi, sabihin mo kay Lola," malambing na sambit niya na nahaluan ng biro, siyang ikinatawa ni Alyssa nang marinig iyon. Mga Apo niya kami. . . Pampalubag loob o katotohanan? Umalis si Nurse Gio sa tabi ko at ibinigay ang pwesto kay Lola na ngayon ay umupo na doon at ang dalawang kamay ay nasa magkabilang balikat ko na ngayon. "Paano, La?" Nanghihina kong tanong. Nang mga oras na yaon ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na salubungin ang kaniya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD