"Hanggang sa nakalimutan ko na may anak pa akong isa. . ." Garalgal ang boses niya ng sabihin iyon, hinagpis, pagsisisi, galit sa sarili ang mababanaag sa tema ng kaniyang boses. Si Viro na hindi ko kinakitaan ng kahit na anong emosyon kanina ay hindi napigilan ang gulat na nadama at bumalatay iyon sa kaniyang mukha. Ang mga mata niya ay isiniwalat ang ekspresyon na sa tingin o ay plinano niyang itago ngunit hindi kinaya. Kumurap-kurap ako, huminga ng malalim at kinakalma ang sarili kahit na gusto ko ng bombahin si Lola ng katanungan. "Ang anak ko. . ." bulong ni Lola dahilan kung bakit mula kay Viro ay lumipat ang mata ko sa kaniya. Lumuluha muli siya, tuwid pa rin ang tingin sa harap ngunit hindi na sa larawang pinaka-malaki nakatuon ang kaniyang tingin. Mula kay Lola ay naglanda