“Ang tagal niyo naman magbukas ng pinto!” reklamo ni Dadu habang papasok sa bahay. Sumunod na rin ang iba naming mga Kaklase habang si Viro ay nanatiling nakatayo sa may harap. Poker face pa rin ang nakabalatay sa mukha subalit mababanaag naman sa mata ang disgust. Marahil ay dahil iyon sa hindi ko pagsagot sa kaniyang tawag kanina. Ngunit sa halip na ungkatin ko iyon ay iniba ko ang topic. “Bakit kasabay mo sila?” tanong ko. Naging marahas ang pagbuga niya ng hininga ngunit kalaunan ay tinapunan ako ng malamig na tingin. “Kanina pa sila rito,” aniya at saka ako tinalikuran at sumunod sa iba. Napa-irap ako sa kawalan at saka pumasok. Naabutan ko sila na kaniya-kaniyang pwesto sa may sofa. Ang iba ay may dalang maliit na bag, ang iba ay wala. Bumukas ang pinto ng si