“You sure you do not want Viro to come with you?” tanong ni Kuya Jiro na siyang maghahatid sa akin. “He doesn’t to go also so… yep! It is fine. Carina and I will have a girl bonding,” tugon ko. Nanulis ang kaniyang nguso ngunit tumango-tango din naman makaraan ang ilang segundo. “Do not go anywhere, Riva. Hanggang kela Carina lang ang paalam mo.” Dinig na dinig ang boses ni Viro mula sa kusina. Dahil doon ay nangantyaw ang ilan sa mga naka-upo sa sofa. “Oh, huwag daw gagala sa kung saan sabi noong tatay,” at saka siala nagtawanan. Nailing na lamang ako at hindi na binigyan pa ng pansin ang mga iyon. Alas tres ng tanghali, kainit-initan ngunit ganito sila. Kung bakit ba kasi dumating sila nang hindi pa ako nakaaalis. “Riva, apo. Mag-iingat, huh?” ani Lola na ik