Ilang oras na ang nakalilipas ngunit hindi ako mapakali sa loob ng aming silid. Pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari sa araw na ito at hindi ko naman masabi-sabi sa iba iyon dahil baka naman nagkakamali lang ako. Ngunit hindi ko pa rin maiwasan na mabahala. Dahil parang nabuburyo na ako sa iisang view sa kwarto ay sinubukan kong lumabas upang kahit papaano, sa ingay ng mga naroon ay mawawala ang aking mga isipin kahit panandalin lamang ngunit hindi ingay ang bumungad sa akin. Natigil pa ako sa paghakbang dahil hindi ko mapaniwalaan na kahit na narito sila ay tahimik ang bahay. Lahat sila ay parang malalim ang iniisip. “Bakit hindi mo ma-contact?” sumulpot si Mylene mula sa kusina, ang tinatanong ay iyong Vince na kunot na kunot naman ang noo at ang mata ay nakatuon sa