KARARATING lang ni Tristan sa mansiyon pero agad niyang hinanap ang kanyang mag-ina. “Manang, nasaan si Cyrhel at Tris?” “Wala sila, sir. Sinundo ng mommy at daddy mo.” “Thank you, manang.” Agad niyang tinawagan ang ama. “Dad, nasaan po kayo? Kararating ko lang ng mansiyon.” “Narito kami sa boutique, nagpapasukat pati ang mag-ina mo. Sumunod ka dito kung hindi ka pagod para masukatan ka.” “Sige po, Dad, I’m on my way.” Agad siyang lumabas at sumakay ng kotse at pinaharurot iyon. Miss na miss niya ang kanyang si Cyrhel at ang anak. Habang nagda-drive ay kausap niya ang kaibigang lawyer tungkol sa kaso ng girlfriend ni Ryan. May inutusan siyang tao para alamin lahat ang buong detalye tungkol dito at ipadala sa kanya ang resulta. “Attorney, ipapadala ko na lang sa e-mail mo ang comple