ERICA "HINDI ko kailangan ng pagkain, Sebastian. Hindi ko kailangan ng kahit ano mula sa iyo. Ang gusto ko, kalayaan. Palabasin mo na ako rito, Sebastian. Palayain mo na ako!" Hindi ko alam kung ilang beses na akong umiyak habang walang humpay sa pagmamakaawa kay Sebastian. Wala akong ganang kumain. Hindi ako nagugutom kaya imbes na kainin ang hinanda nitong pagkain, itinapon ko iyon. Imbes na mahabag, ngumisi pa si Sebastian. Umupo ito sa paanan ko at sunod-sunod na iniling ang ulo. "I've told you many times, Erica. Kahit anong pagmamakaawa mo sa akin, hindi kita papalayain. You're in my hands now, okay? Kahit umatungal ka pa riyan, wala akong pakialam. Kahit sumigaw ka pa nang sumigaw, I don't care. As if naman may makakarinig sa iyo…" may pang-aasar na saad nito na naging dahilan pa