“SURPRISE!!!” “Wow!” masayang bulalas ni Prince nang makita nito ang silid na pinaayos ni Prix para mismo sa anak nila. Sa halip na gawing playroom ang isa pang guestroom ay ginawa na lamang iyong silid ni Prince na bagay na bagay sa edad nito ang interior design. “Ito na ang bagong silid mo, anak. Nagustuhan mo ba?” nakangiti pang tanong ni Prix sa kaniyang anak na si Prince. “Opo. Salamat po, Papa. Puwede na po bang pumasok sa loob?” “Oo naman. Tara.” Ang ngiti sa labi ni Ayah ay hindi mabura habang nanatili siyang nakatayo sa may pintuan at nakasunod ang tingin sa kaniyang mag-ama. Ayos na kasi ang isang guestroom na ipinaayos ni Prix. Bukod sa kama ay naroon na rin ang instant palaruan ni Prince kaya tiyak na mas mag-e-enjoy itong matulog doon sa gabi ng mag-isa. Huminga nang mal