“P-PRINCE,” bulalas pa ni Prix sa pangalan ng kanilang anak. Nakatingin lang sa kanila si Prince. Pinaglilipat ang tingin sa kanila na para bang naghihintay ng paliwanag. Lihim na napalunok si Ayah na kulang na lamang ay mamutla ng mga sandaling iyon. Agad siyang naglakad palapit kay Prince. Lumuhod pa siya para lamang makapantay ang mukha ng kanilang anak. “A-anak—” “Mama, masakit po ba ang mata mo po? Napuwing ka po?” magkasunod pa nitong tanong sa kaniya. Kumibot ang labi niya. Napakainosente ng kaniyang anak. Kung ganoon, inakala nito na napuwing lang siya? “Oo, Prince, napuwing ang mama mo,” agad na sagot ni Prix sa tanong na iyon ni Prince. Lumapit din ito sa anak nila at ginulo ang buhok. “Bakit lumabas ka sa TV Room? May kailangan ka ba?” masuyo pang tanong ni Prix. Saka pa