SA HULI AY si Karzon din ang nagbawi ng tingin sa pakikipagtagisan ng titigan nito kay Prix. “Ikaw ‘yong unang tao na inaasahan ko na makakaintindi sa akin kung malalaman mo ang sitwasyon namin ni Ayah, Uncle. Pero bakit parang tingin ko, mali ako ng akala? Oo, hindi na siya na ‘yong babaeng nakilala ko noon. She’s not well off when we’ve met again in Manila. Sobrang binago ng nangyari sa amin sa San Diego ang buhay ni Ayah. Itinakwil siya ng Daddy niya at hanggang ngayon, ni hindi siya nakakabalik sa kanila.” Lumunok si Prix dahil nananakit ang kaniyang lalamunan. Mahapdi iyon. “Ikaw ba, Uncle, kung si Auntie Tanya ‘yong nasa posisyon ni Ayah nang muli kayong magkita matapos ninyong maghiwalay. Pero bago naman kayo maghiwalay, alam mong maayos ang buhay niya. Tapos, isang araw makikita m