Chapter 52 - Prix Montejero: The Former Playboy

3201 Words

“MAMA, maganda po ba?” nakangiti pang tanong ni Prince kay Ayah nang ipakita nito sa kaniya ang drawing nitong dinosaur. “Wow, ang galing mo naman, anak,” puri pa niya kay Prince. “Mama, pinagana ko lang po ang imagination ko para ma-drawing ko po ito,” pagmamalaking wika ni Prince. “Ipakita mo mamaya sa Papa mo. Hmmm?” “Sige po, Mama,” nakangiti pa ring wika ni Prince. “Mama, itatabi ko lang po itong mga gamit ko sa room ko po. Tapos na po akong mag-drawing, eh.” “Sige, anak. Kaya mo na ba ‘yang mag-isa?” Tumango ito. “Opo. Big boy na po ako, eh,” ani Prince na hindi na rin nagpatulong pa sa pag-aayos ng mga ginamit nito sa pag-do-drawing sa may salas. May ngiti sa labi na hinatid niya ng tingin si Prince. Nagbawi lang siya ng tingin nang makarinig ng doorbell. May pagmamadali na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD