Chapter 44

2126 Words

NANG MAKAUWI sa bahay ang ina ni Tanya ay doon lang siya nakaramdam ng antok. Sa nagdaang gabi kasi ay halos hindi siya makatulog nang maayos dahil sa pagbabantay sa kaniyang ina. Baka kasi may kailangan ito kaya sa tuwina ay gumigising siya. Para siyang manok na mababaw ang tulog. Ganoon ang pakiramdam niya. “Dad, tutulog po muna ako sa silid ko,” paalam pa niya sa kaniyang ama. “Medyo mahapdi po kasi ‘yong mga mata ko.” “Sige, anak, bumawi ka muna ng tulog.” Nagpaalam din siya sa kaniyang ina bago hinayon ang kaniyang silid. Mamaya na lamang siya maliligo pagkagising. Minabuti na lang muna ni Tanya ang magpalit ng damit. Humikab pa si Tanya bago humiga sa malambot niyang kama. Agad siyang iginupo ng antok kaya agad din siyang nakatulog habang yakap ang paborito niyang unan sa kaniya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD