Chapter 43

2107 Words

NAPASINGHAP SI TANYA nang dumulas bigla sa kaniyang kamay ang hawak niyang baso at tuluyan iyong bumagsak sa sahig. Nabasag iyon. Maging sina Nida, Karla at Abi ay natigilan sa nangyari. Nang makahuma si Abi ay agad siya nitong hinila palayo sa nabasag na baso. “Dito po muna kayo, Ma’am Tanya. Para hindi po kayo mabubog.” Napalunok si Tanya. “B-biglang dumulas sa kamay ko.” “Ako na po ang bahala,” ani Nida na agad kumuha ng dustpan at walis tambo. Si Karla naman ay isa-isang pinulot ang malalaking bubog sa sahig. Mabuti na lamang at katatapos lang niyang uminom ng tubig. Kung bakit bigla iyong dumulas sa kamay niya. “Sa probinsiya namin, masamang pangitain kapag may nababasag na bagay sa isang bahay. ‘Yong hindi sinasadya,” kuwento pa ni Nida. “Ano pong masamang pangitain?” halos ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD