NAKAKAPANIBAGO, iyon ang nararamdaman ni Tanya nang makabalik sila ni Karzon sa penthouse. Mukhang siya ang nagkaroon ng separation anxiety sa lugar na pinuntahan nila ni Karzon. Hinahanap-hanap niya ang preskong hangin. Ang maberdeng paligid. Ang mga kuliglig sa gabi. Ang huni ng mga ibon. Napabuntong-hininga si Tanya habang pinagmamasdan ang mga orchids. Mas madalas tuloy kung tumambay siya sa may pool area dahil doon ay mayroong mga halaman. Gusto niya iyong nakakakita siya ng kulay berde. Ayaw rin niyang maglagi sa loob ng penthouse dahil pakiramdam niya ay na-su-suffocate siya sa aircon. Kaya sa may indoor pool siya tumatambay dahil sariwang hangin ang naroon. Iba rin palang magpa-miss ang probinsiya. “Sweetie, can we talk?” isang hapon ay salubong agad ni Karzon kay Tanya nang um