“PUPUNTA LANG ako sa kusina. Sandali lang ako,” paalam ni Tanya kay Karzon. “Sige,” pagpayag naman nito. Pinisil pa niya ang balikat ni Karzon bago ito iwan sa may ilalim ng punong mangga. Ang paborito niyang spot tuwing almusal. Nakahain na ang amusal nila sa lamesa at kakain na lamang sila. Alam niya, may kulang sa agahan na iyon ni Karzon at ayaw naman niya iyong ipagkait sa asawa. Lalo na at ilang araw na itong nagtitiis na wala niyon. Pagbalik niya sa kinaroroonan ni Karzon ay maingat na inilapag ni Tanya ang kape sa may tabi nito. Napatingin doon si Karzon. Pagkuwan ay nag-angat ng tingin sa kaniya. “Nagpatimpla ka pa ba sa kanila?” taka pa nitong tanong. Umiling siya. “Hindi. Alam ko naman na ayaw mo ng ibang lasa ng kape. Kain na tayo,” nakangiti pang pag-aaya niya kay Karzon