MAAGANG NAGISING kinabukasan si Tanya. Matapos niyang magbanyo ay saka lang niya ginising si Karzon. “Maglalakad-lakad pa tayo sa labas,” panggigising niya sa asawa. “Gising na, Karzon.” “Hmmm. Gigising na po,” anito na pikit pa rin ang mga mata. “Five minutes pa, please.” “Sige. Bumangon ka after five minutes. Ako na lang ang mauunang bumaba at maglalakad-lakad sa labas. Sumunod ka na lang.” “Sabi ko nga po, babangon na,” agad na wika ni Karzon bago bumangon mula sa pagkakahiga. Saka pa lang din ito nagmulat ng mga mata. Automatic ang ngiti na sumilay sa labi nito nang makita siya. “Good morning, sweetie.” “Good morning din,” aniya na siya na ang nagkusang humalik sa labi nito. “Magbanyo ka na. Bilisan mo para hindi tayo abutin ng init ng araw sa paglalakad.” “I will,” ani Karzon na