Chapter 45

4024 Words

HABANG TUMUTUGTOG sa piano si Tanya ay nakaupo naman sa tabi niya si Sofia habang pinanonood siya at nakikinig sa kaniyang tinutugtog. May grand piano sila sa may gilid ng salas dahil ang Mommy Gweneth nila ay mahilig tumugtog ng piano bilang libangan nito. Kaya naman noon ay naingganyo rin siyang tumugtog sa tulong na rin ng kaniyang ina. Ito lang ang nagtuturo sa kaniya kaya siya natuto. “May talent ka rin pala sa pagtugtog ng piano.” Napahinto sa pagtipa sa keyboard ng piano si Tanya nang marinig niya ang boses ng kaniyang asawa na si Karzon. Awtomatiko ang ngiti na sumilay sa labi ni Tanya. “Hidden talent,” pagtatama niya. “Dito lang kasi ako sa bahay tumutugtog ng piano at hindi sa ibang lugar.” “Ate, aakyat na muna ako sa taas,” paalam pa sa kaniya ni Sofia na kiming nginitian p

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD