“BAKIT HINDI ka lumapit doon?” Nang mapakurap si Ayah ay saka lang niya naramdaman ang pagtulo ng luha sa kaniyang magkabilang pisngi. Hindi niya namalayan na umiiyak na naman pala siya. Pinagmamasdan lang kasi niya si Prix habang kasama nito ang ama’t ina nito, si Prince at tatlo nitong nakababatang kapatid. Pabalik sana siya sa kinaroroonan ng mga ito galing sa loob ng penthouse at mapahinto nang makitang masayang magkakasama ang mga ito. Ang saya lang pagmasdan na kumpleto ang pamilya ni Prix sa masayang sandaling iyon. Ngunit sa kabila ng sayang iyon ay ang paninikip ng dibdib niya. Nahihiya pa nang tingnan niya si Tanya. “Masaya ka ba o may na-mi-miss ka?” nananantiya pang tanong pa ni Tanya kay Ayah. Huminga siya nang malalim bago nagsalita. “Masaya ako para sa kanila. Masaya a