NAKAKATUWA LANG na sobrang nag-enjoy rin ang buong pamilya ni Prix sa farm ng pamilya ni Ayah. At ang isa pa sa nakakatuwa ay kung paanong ma-enjoy rin ng mga ito ang magandang ilog doon. Nang ipasyal kasi roon ni Prix ay mga hindi napigilan ang mapaligo sa maganda at malinaw na ilog. Namasyal din ang mga ito sa farm para makita ang mga pinagkakakitaan doon ng pamilya ni Ayah. Nag-alok pa nga ang ama ni Prix na kung may kailangan sa farm na mga traktora ay ‘wag mahihiyang magsabi at agad magpapadala sa farm. Pero dahil nahihiya ang kaniyang ama kaya tinanggihan iyon. “Ganitong-ganito ‘yong buhay na gusto ko, Ayah,” nakangiti pang wika sa kaniya ni Tanya habang nakatambay sila sa may kubo sa labas ng ancestral house. “Nasa isang lugar na malayo sa kabihasnan. Alam mo ‘yon? ‘Yong maingay