FRIDAY pa lamang, pagkarating na pagkarating sa Pagbilao City nina Karzon Montejero ay agad nitong pinatawagan ang lahat ng mga taong nasa family circle ng mga ito at mga bigating investors ng kompanya ng pamilya Montejero para sa gaganaping engagement party nina Prix at Ayah sa darating na Linggo. Kaya hindi kataka-taka na maraming bisita sa mismong gabi ng engagement party na gaganapin sa malawak na function hall ng Queen Mary Hotel. The last time na nag-transform si Ayah ay noong nag-date pa sila ni Prix kasama si Prince. Kaya naman sa muling pagharap ni Ayah sa salamin ay halos hindi na naman niya makilala ang sarili dahil sa magandang nilalang na nakikita niya. Ikinurap pa niya ang mga mata. Hindi nawala ang gandang tinataglay niya mas lalo na ng mga sandaling iyon. “Napakaganda