Chapter 34 - Prix Montejero: The Former Playboy

2602 Words

“KAIN lang nang kain, ha?” nakangiti pang wika ni Prix sa batang si Prince na pinahiram niyang muli kay Sephany sa manager ng hotel nito. Dinala niya sa kaniyang suite para lang pakainin nang masasarap. Baka kasi mamaya ay hindi pa ito nakakapag-almusal man lamang. “Sir, puwede po bang bigyan ko rin nito si Mama?” tanong pa sa kaniya ni Prince. Tinutukoy ang masarap nitong kinakain. Tumango siya. “Sige. Padadalhan natin ang Mama mo ng ganiyan.” Lumawak lalo ang ngiti sa labi ni Prince. “Marami pong salamat.” “Sige na. Kumain ka na,” aniya na tumayo muna. Natigilan pa siya nang makita ang kaniyang kapatid na si Sephany, na nakahalukipkip pa nang pumihit siya paharap sa kaniyang likuran. Hindi niya namalayan ang pagdating nito. “Bakit?” taka pa niyang tanong dito. “Baka magtampo sa i

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD