“MUKHANG nawiwili si Madam na hiramin si Prince.” “Pati ‘yong VIP na bisita ni Madam Sephany. Nakita mo ba? Magkasama pa sila ni Prince tapos binilhan ng maraming laruan.” “Hindi ko nakita. Nakita mo ba?” “Hindi rin, eh. Kuwento lang ng mga nakakita sa may lobby ng hotel. Baka sa sobrang tuwa nila sa bata, ampunin na nila.” “Mukhang hindi malayong mangyari ‘yan. Kung ako sa nanay ni Prince, ibibigay ko na. Tutal naman, deserve ng bata ang magandang buhay. Ni hindi nga maibigay ng nanay niya sa kaniya. Kita mo naman, ‘di ba? Kasa-kasama pa sa trabaho. Eh, dapat naman bawal ‘yong ganoon dito sa hotel.” “Kung magkakaroon kaya ako ng anak? Tingin mo, papayagan din ako ng manager natin na isama rito?” “Iba naman kasi ang case nina Prince, Belle. Walang ibang kasama ang bata kung iiwan sa