NANG MULA sa ilalim ng tubig ay umahon si Ayah, si Prix agad ang hinanap ng kaniyang tingin, nakaupo ang binata sa bato na inupuan niya kanina. Ano kaya ang iniisip nito? Ang aksidenteng halik pa rin kaya? Oo, natutuwa siya. Pero hindi niya alam kung ikinatuwa rin ba nito ang nangyari kanina. Paano kung hindi dahil may napupusuan na itong iba? May munting kirot na naman sa kaniyang puso. Naglangoy si Ayah papunta sa kinaroroonan ni Prix. “Ano’ng iniisip mo?” hindi niya maiwasang hindi itanong sa binata nang makalapit siya rito. Umiling ito. “Wala.” Kay ilap ng mga mata nito na ni hindi magawi sa kaniya. Bakit kaya? Huminga siya nang malalim. “Baka iniisip mo pa rin ‘yong nangyari kanina. Kalimutan mo na kung hindi naman magandang alaala ang dulot niyon sa iyo. Ayaw kong ng dahil la