Chapter 12 - Prix Montejero: The Former Playboy

2060 Words

TATLONG ARAW ang matuling lumipas. Dalawang araw rin na puro ulan ang nangyari. At sa pangatlong araw nga ay saka lang sumikat ang haring araw at nagpakita ang asul na asul na kalangitan. Kahit si Ayah ay kay lawak nang ngiti nang makita ang maaliwalas na umagang iyon. “Naku, siguradong kulay kape na may gatas ang ilog ngayon,” ani Mang Talino sa kaniya habang nag-aalmusal sila. “Oo nga po, eh. Hindi siya magandang pasyalan ngayon. Mga ilang araw po bago maging okay ang tubig sa ilog?” “Baka abutin ng dalawa o tatlo? Kung hindi man ay baka isang linggo pang pangit ang tubig sa ilog. Ang lakas kasi ng ulan, hija. Dalawang araw ba naman.” Napabuntong-hininga si Ayah. Kung ganoon, matagal talaga bago bumalik sa dating ganda ang tubig sa ilog. “Baka naman basbas lang ang nangyaring malak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD