Chapter 10 - Prix Montejero: The Former Playboy

2202 Words
NAPAPAHIYANG nagbawi ng tingin si Ayah. “G-ganoon ba?” tanging naibulalas na lamang niya. Nakakahiya na nagpaka-assuming siya sa mismong harapan ni Prix na kahit paano ay magkaibigan na sila. Parang gusto na namang magpalamon ni Ayah sa lupa sa sobrang kahihiyan. Ano na lamang ang iisipin nito sa kaniya? Na paladesisyon siya at pinangungunahan ang sitwasyon? Huminga muna nang malalim si Ayah bago iplinaster ang ngiti sa kaniyang labi nang muling sulyapan si Prix. Para hindi nito makita ang totoo niyang nararamdamang pagkapahiya. “Pasensiya na kung nasabi ko ‘yon. Okay lang kung ayaw mo akong maging kaibigan. No worries,” isang ngiti pa bago muling nagbawi ng tingin si Ayah. “Kung makakarating sa iba na kaibigan mo ang isang tulad ko, tingin mo ba ay may maniniwala na wala akong ibang hangad sa iyo? Napakamalisyoso pa naman ang karamihan sa mga tao. Kahit wala kang intensiyon na masama ay pag-iisipan ka pa rin dahil sa estado mo sa buhay. ‘Wag mo sanang masamain ‘yong sinabi ko, Ayah. Hindi lang din magandang tingnan na nakikipagkaibigan ka sa isang lalaki.” “Dahil ba galing ka sa isang ordinaryong pamilya?” aniya nang muli itong tingnan. “Tingin ko nga, mas masarap maging kaibigan ang isang katulad mo. Kaysa sa mga taong nasa family circle namin. Karamihan sa kanila, hindi ko feel kasama. Siguro dahil ramdam ko na nakikipag-plastic-an lang naman sila sa akin. Alam mo ba? Bilang lang sa isang kamay ko ang mga totoong kaibigan para sa akin. Hindi pa nga umabot ng lima, eh. Ikaw? Marami ka bang kaibigan dito sa baryo?” Amusement. Iyon na naman ang nabanaag ni Ayah sa guwapong mukha ni Prix nang balingan siya ng tingin. Sa lahat din ng lalaki, Prix, sa iyo lang din ako nakaramdam ng pagkakomportable… “Malalayo ang agwat ng mga bahay rito sa baryo. Suwertehan na kung may makita akong ibang tao sa loob ng isang araw. Kung may kaibigan man akong maituturing dito, ang nanay at tatay ko lang ‘yon.” “Ang mga kapatid mo?” “May sarili ng pamilya ang mga ‘yon. Sa ibang lugar na mga nakatira.” “Ganoon ba? ‘Yong sinabi ko kanina, kalimutan mo na. Kung ayaw mo akong maging kaibigan, hindi ko na ipipilit.” Pagkatapos kaya ng araw na iyon, magkikita kaya silang muli? Gugustuhin pa kaya siya nitong makita? Paano kung hindi na? Ngayon pa lang, may munting kirot na sa kaniyang puso. Baka kung saan pa mapunta ang kabaliwan niyang iyon. Mas mabuti pa nga sigurong umiwas muna siya sa isang Prix. Tumango si Prix kapagkuwan. “Okay,” tugon nito sa kaniyang sinabi. See? Napakadali lang para dito na tanggihan ang pakikipagkaibigan niya. It hurts! Mukhang sa araw na ring iyon magtatapos ang pagkikita nila. Ang OA mo naman, Ayah. Dahil lang ayaw kang maging kaibigan? epal pa sa kaniya ng isang bahagi ng kaniyang isipan. Ano pa ba ang silbi ng kagustuhan niyang makita ito kung ayaw naman nito na maging kaibigan siya? Tingin niya ay wala na. Lalo na at kay Prix na rin nanggaling ang mga sinalita nito kanina. Pero pinuntahan ka niya ngayon dito sa ilog, Ayah. Humabol siya kahit tanghali na. Baka naman binibigyan ka pa rin niya ng importansiya? Kahit na hindi bilang isang kaibigan? Hindi rin niya maintindihan ang kaniyang isip. May parte kasi na kunsintedora. At mayroon ding kabaligtaran niyon. Hindi tuloy alam ni Ayah kung saan siya papanig at makikinig. Tumayo na si Prix kaya napasunod dito ang tingin ni Ayah. “Uuwi ka na ba?” tanong pa niya. Nakaramdam agad siya ng ibayong lungkot. Bago sumagot ay naghubad pa nang pang-itaas si Prix kaya napigil ni Ayah ang kaniyang paghinga. Nasilayan na naman niya ang perpektong katawan ni Prix. Nananadya ba ito o sadyang manhid lamang? Sa harapan pa talaga niya naghubad. It affect her so much! “Maliligo lang muna. Tutal naman ay hindi araw-araw akong narito sa lugar na ito,” anito na naghanap pa ng sanga ng puno na puwedeng pagsampayan ng damit nito para matuyo ang laylayan na nabasa rin kanina. “Ikaw ba?” “A-ahm… mamaya na lang siguro.” “Okay,” anito na bumabang muli sa ilog at doon ay naglangoy. May munting ngiti naman sa labi ni Ayah habang pinanonood niya si Prix sa paglalangoy. Magaling din itong sumisid. Sabagay, nag-stay naman ito sa tabing dagat bilang kargador sa pier kaya hindi malabo kung bakit marunong itong maglangoy. Pero kakaiba talaga si Prix. Para bang misteryoso pa rin pagdating sa kaniya ang buong pagkatao nito. Kung sa siyudad lang niya ito makikita, hindi niya iisipin na taga baryo ito at magbubukid. Wala kasi sa hitsura nito. Hindi rin ordenaryo ang hitsura nito dahil sa kaguwapuhan nitong tinataglay. Napakurap lang si Ayah nang sabuyan siya ni Prix ng tubig galing sa ilog. “Maligo ka na. Sayang ang oras.” Sayang ang oras? “Bakit naman masasayang ang oras?” pagsasatinig niya. Itinuro pa nito ang kalangitan na makulimlim pa rin. “Siguradong babagsak ang ulan mamaya. Samantalahin na natin na malinaw ang tubig dito sa ilog. Dahil kapag umulan nang malakas, tiyak na lalabo ang tubig na galing sa bundok dulot ng ulan.” May punto ito. Baka nga kapag umulan ay ilang araw pa iyong malabo bago muling babalik sa tunay na linaw. Nakasuot siya ng t-shirt ng mga sandaling iyon at short na lampas sa kalahati ng kaniyang hita ang haba para sa kaniyang pang-ibaba. Pangligo na talaga niya iyon. Na-te-temp si Ayah na paunlakan ang pag-aaya ni Prix. Ngunit nag-aalangan naman siya. “Ilang araw kang hindi makakapaligo rito kapag nagkulay kape ang tubig dito.” Sa huli ay tumayo na rin siya. “Oo na. Maliligo na bago pa magkulay kape ang tubig dito sa ilog,” aniya na umakmang bababa na sa may ilog nang agad namang lumapit sa kaniya si Prix upang alalayan siya sa pagbaba sa tubig. “T-thank you,” aniya nang makababa na siya sa ilog. Tiningala pa niya ito dahil talagang may katangkarang taglay ang binata. Tipid na ngiti lang ang tinugon nito na nagpakalabog na naman sa puso niya. Simple gesture, pero iba ang dulot sa katawang lupa niya. Oh, Prix… Sinamantala na rin ni Ayah ang paliligo sa ilog at baka nga mamaya ay bumagsak na lamang ang malakas na ulan. Nang mapagod naman sa paglalangoy ay nag-stay muna siya sa may medyo gilid kung saan mayroong bato na nakalubog sa tubig. Doon ay naupo siya. Umabot ang taas ng tubig sa kaniyang dibdib. Mas okay na iyon para hindi siya lamigin. Hindi inalis ni Ayah ang kaniyang tingin sa kinaroroonan ni Prix. Nang magtama tuloy ang kanilang tingin ay agad siyang nag-iwas ng tingin. Napangiti si Prix na hindi na nakita pa ni Ayah dahil hindi na siya nagpakatingin-tingin pa sa binata. “Ilang taon ka na, Ayah?” mayamaya ay tanong ni Prix sa kaniya. “Twenty-one.” “Twenty-one,” anas pa ni Prix. “Ikaw?” balik tanong ni Ayah. Ang lagay ba ay ito lang ang interesado sa kaniyang edad? “Twenty-nine.” Eight years ang age gap nila kung ganoon. Masyadong malaki ang age gap nila. Siguradong hindi siya ang idea girl nito dahil masyado siyang bata para dito. Wow, Ayah! Coming from you pa mismo, ha? As if naman ikaw nga ang ideal girl ni Prix? epal na naman ng isang bahagi ng kaniyang isipan. Sa isip tuloy niya ay nahila na niya ang sarili niyang buhok dahil kung ano-ano na lamang ang sinasabi. “Alam ko na ang nasa isip mo,” ani Prix. “Na dapat ang ganitong edad ay nag-aasawa na? Tama ba ako?” Mali ka, Prix. Hindi ganiyan ang nasa isip ko. Kung alam mo lang, aniya sa kaniyang isipan. Umiling siya. “Siguro ganiyan ang sasabihin ng iba kapag nalaman ang edad mo. Pero kani-kaniya naman ‘yan, ‘di ba? Lalo na kung malaya ka namang magdesisyon kung kailan mo gustong mag-asawa. Who am I to judge you kung ayaw mo pa namang mag-asawa, ‘di ba?” Sana nga lahat, may kakayahang magdesisyon kung kailan gustong mag-asawa. Hindi katulad niya na inalisan ng kaniyang ama ng karapatan na magdesisyon. Kung sana lahat ay kagaya mo, Prix… Naglakad palapit sa kaniya si Prix. Ang tingin nito ay hindi inaalis sa kaniya. “Dito sa probinsiya, kapag lampas na sa kalendaryo ang edad mo, sasabihin sa iyo ay matandang binata o dalaga ka na.” “Twenty-nine ka na, bakit nga ba hindi ka pa nag-aasawa? Tanong lang.” Nagkibit ito ng balikat. “Katulad nga ng sinabi mo kanina, hindi naman ‘yon minamadali, ‘di ba? Pero tingin ko, malapit na rin akong mag-asawa. Ayaw ko rin namang tumandang binata.” “Good for you,” sabi na lang niya na may tipid na ngiti sa kaniyang labi. Kahit na ang totoo ay gustong tumabingi ng ngiti niyang iyon. “Salamat nga pala ulit sa masarap na tanghalian.” “Maliit na bagay.” Kung gusto mo nga, bukas ulit, eh, patuloy niya sa kaniyang isipan. Sandali na namang naghinang ang mga tingin nila ni Prix. Hanggang sa ito pa ang maunang magbawi ng tingin at muling bumalik sa pagsisid sa ilalim ng ilog. Dahil nakaupo siya kaya hindi niya makita kung nasaang parte na ng ilog si Prix. Kaya naman tumayo siya sa kaniyang kinauupuang bato para makita kung nasaan na ito. Naaninag niya ang binata na papalampas sa kaniyang kinaroroonan nang bigla na lamang itong umahon. Sa gulat niya ay nawalan siya ng balanse nang maging mabuway ang kaniyang pagtayo. At bago pa siya bumagsak sa tubig ay naagapan naman siya ni Prix. Nasalo siya nito. Ngunit nasalo rin ng labi nito ang labi niya na ikinalaki ng kaniyang mga mata. Halos mapigil ni Ayah ang kaniyang paghinga. Daig pa niya ang sandaling naparalisa ang buong katawan. Her lips landed on Prix lips for real! Parang gusto niyang maiyak sa tuwa. OA na naman ang kaniyang pakiramdam. Nang makabawi si Ayah ay siya na ang naunang naglayo ng knaiyang mukha sa natitigilang si Prix. Daig pa nito ang natuklaw ng ahas. Eh, natuka lang naman ng labi niya ang labi nito. Aksidente pati iyon. Kumalas na rin siya mula sa pagkakayakap nito sa kaniya. Hindi rin halos magawang tapunan ni Ayah ng tingin si Prix. Para bang biglang nangamatis ang kaniyang mukha dahil sa nangyari. “H-hindi ko sinasadya,” nauutal pa niyang wika. “N-nagulat ako nang bigla kang lumitaw mula sa ilalim ng tubig kaya nawalan ako ng balanse kanina,” agad niyang paliwanag. Tumikhim si Prix. “Kasalanan ko rin at nagulat pala kita.” Katahimikan. Nakabibinging katahimikan ang sunod na namayani. Kung wala lang sa harapan ni Ayah si Prix ay baka nadama na niya ang kaniyang labi na lumapat sa malambot nitong labi. Mabuti na lamang at hindi pumutok ang labi niya nang saluhin siya nito. Nailang kaya sa kaniya si Prix? Kung alam lang nito, first kiss niya iyon. Impit tuloy siyang napangiti sa kaniyang isipan. “Kalimutan mo na ‘yon,” aniya kay Prix bago minabuti munang lumangoy sa ilalim ng tubig. Kay bilis na naman kasi ng kabog sa kaniyang dibdib. NASUNDAN NI PRIX NG tingin si Ayah nang lumangoy muna ito. Saka lang siya nakahinga nang maluwag. Ang isang kamay niya ay umangat pa para damhin ang kaniyang labi. Hindi niya inaasahan na mangyayari iyon at mas lalong ayaw niyang isipin ni Ayah na gustong-gusto niya ang nangyari na mahagkan ito. Sa lahat ng babaeng nakasalamuha niya, kay Ayah lang siya natuwa ng husto. Siguro dahil wala itong kaarte-arte sa katawan na makihalubilo sa kaniya kahit na ang alam nito sa kaniyang katauhan ay isang hamak na tao lamang. At sa lahat din ng babae, kay Ayah lang siya nagpipigil. Kilala siya bilang matinik sa babae. Lalo na kung nakursunadahan niya. Nakukuha agad niya ang mga iyon sa tingin. Pero kay Ayah, ayaw niyang daanin ito sa pagiging playboy niya. Respeto… iyon ang buong puso niyang ibinigay rito. Pakiramdam nga niya ay ibang-iba na agad siya sa Prix na nakilala niya. At pagdating sa trabahong bukid, akala niya noong una, mahirap. Madali lang pala lalo na kung seseryosohin mo ang turo sa iyo. Napakaganda ni Ayah at ipupusta niya na maraming humahanga sa dalaga na kay layo pala ng agwat ng edad sa kaniya. Mas humanga rin siya rito dahil masarap itong magluto. Karamihan kasi sa mayayaman ay inaasa na lamang sa mga kasambahay ang pagluluto. Kaya ikinatutuwa rin ni Prix na pinatikim siya ni Ayah ng luto nito. Piping hiling niya, huwag sana itong mailang sa kaniya matapos ng nangyari kanina. Sa bawat paglapit pa naman nito sa kaniya ay tripleng pagpipigil ang ginagawa niya para lamang hindi ito makahalata sa kaniya na gutong-gusto niya ito. Ayaw niyang mag-assume na may katugon ang paghanga niya rito. Baka kasi nakikita lang siya nito bilang isang kaibigan lang. Ganoon pa man, masaya siya kapag nasisilayan ito. Hindi rin ito basta-basta mawala sa kaniyang isipan. At kung bibigyan siya ng pagkakataon? Gusto pa niya na mas makilala ang isang Ayah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD