“SINO KAYA ‘yong kasama ni Sir?” narinig pa ni Sephany na bulung-bulongan habang papasok sila ni Thaddeus sa private office nito sa BM Mall, ang pag-aaring Mall ng mga ito na may limang branch sa bansa. At ang isa nga ay nasa Quezon City. Ang pinaka-main branch ng BM Mall at pinakamalaki. “Baka girlfriend niya.” “Ang ganda ‘no? Bagay sila.” “Buong akala ko, single pa si Sir. Taken na pala.” Katulad ng pangako ni Thaddeus kay Sephany, isinama siya ng kaniyang asawa sa pag-aaring Mall ng pamilya nito. Hindi niya akalain na ang malaking Mall pala na iyon sa Quezon City ay pag-aari ng pamilya ng kaniyang asawa. “Sa inyo pala ang Mall na ito,” aniya sa kaniyang asawa nang makapasok sila sa opisina nito. “Nakapunta ka na ba rito?” Tumango siya. “Ilang beses na rin.” “Feel at ease,” wika