Chapter 37 – Sephany Montejero: The Marriage Contract

2164 Words

TAPOS NA ang animo unos na kinaharap nila ni Thaddeus kani-kanina lamang. Payapa na rin ang bawat paghinga nila. Ang tanging gusto na lamang ni Sephany ay ang pagsiksik sa katawan ni Thaddeus na katulad niya ay hubad din sa ilalim ng kumot. Masakit ang unang karanasan niya. Ngunit ang sakit naman na iyon ay kakaibang ligaya at sarap ang kapalit. At mukhang ang sarap na dulot ng kanilang pag-iisa ay hahanap-hanapin niya. May ngiti sa labi nang ipikit ni Sephany ang kaniyang mga mata. “Hindi ka ba nagugutom?” masuyo pang tanong ni Thaddeus kay Sephany makaraan ang ilang sandali. “Binusog mo na ako,” sagot niya sa tanong nito. “Seryoso. Kumain ka na ba?” Nang imulat ni Sephany ang kaniyang mga mata at tingalain si Thaddeus ay umiling siya. “Kaninang hapon, nagmeryenda lang ako ng kaunt

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD