WALA YATANG araw na hindi maligaya sa isa’t isa sina Thaddeus at Sephany dahil na rin sa mas nag-level up nilang relasyon bilang isang mag-asawa. Hindi niya mabigyan ng rate kung gaano siya kasaya dahil lampas iyon sa isang libong pursiyento. Siguro ay ganoon din si Thaddeus na palaging animo sabik na sabik sa kaniya sa tuwing umuuwi galing sa trabaho. Madalas kasi ay hindi siya sumasama sa opisina nito. May time rin na nagpapahatid siya sa kaniyang hotel sa kaniyang asawa at doon sila nag-stay ng isang gabi. Kinabukasan ay saka sila uuwi sa Quezon City mula sa Makati dahil hindi rin naman niya puwedeng pabayaan ng sobrang tagal ang kaniyang hotel. Kaya kahit paminsan-minsan ay sumusulpot siya. Nagkaroon din sila ng family dinner kasama ang ama’t kapatid ni Thaddeus dahil nag-uungot ang