“S-SEÑORITA,” gulat pang bulalas ni Damyan nang makita siya nito sa niyugan. Palapit sa kinaroroonan ng mga ito. Tipid lang itong nginitian ni Ayah. Kapag kuwan ay agad na tumutok ang tingin ni Ayah sa kaniyang bunsong kapatid na si Zeb na napahinto sa pamumulot ng niyog nang makita siya nito. Iyong gulat na bumakas sa guwapong mukha ng kaniyang bunsong kapatid ay priceless. “Ate Ayah?” magkahalong gulat at saya na bulalas ni Zeb. Habang nagmamadali siya nitong lapitan ay ipinapahid pa nito sa suot nitong pantalong kupas ang mga kamay. Pinigil ni Ayah ang pamuuan ng luha habang pinagmamasdan niya ang kaniyang bunsong kapatid, na siyang huli niyang nakita sa mga kapatid niya bago siya umalis sa Pilipinas may limang taon na ang nakalilipas. Kabilin-bilinan pa niya noon na mag-aral ito n