Chapter 57 - Prix Montejero: The Former Playboy

3216 Words

“DADDY, I’M SORRY,” paulit-ulit na bigkas ni Ayah na walang humpay ang agos ng luha buhat sa mga mata. “Patawarin mo po ako, Daddy.” “Ano ba ang sinasabi mo, Ayah, anak? Wala kang dapat na ikahingi ng tawad sa akin. Wala ka namang kasalanan.” Umiling siya. Pagkuwan ay bahagyang kumalas sa pagkakayakap sa kaniyang ama upang pakatitiga ito. “Dahil po sa nangyari sa akin, sa isang iglap, nawala po lahat ng… ng pinaghirapan ninyo,” hikbi pa niya. “Patawad po. Lalo na kung naging pasaway po ako noon.” Pinalis ng kaniyang Daddy Javier ang luha sa kaniyang mga mata. Ngumiti pa ito kahit na bakas ang luha sa mga mata nito. “Hindi na maibabalik pa ‘yong nakaraan, anak. Pero mas masaya ako na makita ka ulit ngayon.” Huminga ito nang malalim upang maalis ang animo pagbabara sa lalamunan nito. “Oka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD