“THADDEUS BALLMER,” anas pa ni Sephany sa buong pangalan ng kaniyang bagong prospect. Ewan ba niya pero nakaramdam siya ng excitement pagdating sa binata. Lalo na nang malaman niya ang pinaka-background ng lalaki na agad niyang pina-check sa kaniyang pinagkakatiwalaan na private investigator. Agad-agad ay nakuhanan siya niyon ng inpormasyon na kailangan niya. Galing sa isang buena familia si Thaddeus. Ang lalaking nakita niya sa lobby na nag-check-in sa kaniyang hotel. Mananatili ito sa Sephany Hotel sa loob ng limang araw. Thirty na ang naturang lalaki. May negosyong mina-manage. Hindi lamang isa kung ‘di marami. May factory ang mga ito. May sariling clothing line business. Mayroon ding limang malalaking Mall na pag-aari sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Pero mas madalas itong mag-stay