KATATAWAG LANG kanina ni Sephany sa kaniyang Kuya Prix na kinakailangang umuwi ito sa bahay ng mga magulang niya sa araw ng Sabado dahil ipapakilala niya ang lalaking pakakasalan niya sa kaniyang pamilya. Pero hayon at wala pang isang oras ang nakalilipas ay dumating ito. Siguro ay sakay ng helicopter ng kaniyang Uncle Karzon dahil may naririnig siyang ugong niyon kani-kanina lang. “Nagbibiro ka ba?” agad na bungad sa kaniya ng kaniyang Kuya Prix pagkapasok na pagkapasok na palang nito sa loob ng kaniyang opisina. Naibaba tuloy niya ang kaniyang kamay. Pinagmamasdan kasi niya roon ang mamahaling engagement ring na suot niya. Mabuti na lamang at isinuot niya iyon bago siya pumasok kanina sa kaniyang opisina. Isa sa props niya na magagamit niya para sa Sabado. Tiyak na magtataka ang pamil