Chapter 49

2108 Words

MAHIGPIT PANG hawak ni Karzon ang isang kamay ni Tanya nang lisanin nilang dalawa ang opisina nito. Napatingin pa si Tanya sa may edad ng babae na nasa table ni Keziah paglabas nila sa may pinto. Agad itong nagbigay galang nang makita si Karzon. “Cancel all my appointments, Mrs. Sogoni.” “For this week, Sir?” “Until next week.” Nagulat man ay tango na lang ang tanging nagawa ng bagong sekretarya ni Karzon. “Masusunod, Sir.” “Thank you.” Nang makalayo sa sekretarya ni Karzon ay saka lang niya nagawang mag-usisa. “Siya ang ipinalit mo sa dati mong sekretarya?” “Hmmm. Wala na sigurong problema sa iyo?” nangingiti pa nitong tudyo. Napangiti rin siya. “Ang galing mong pumili ng bagong sekretarya.” “May apo na rin ‘yon, Sweetie. Kaya pakiusap ko lang sa iyo, ‘wag mo ng pagselosan, ha?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD