UNTI-UNTING BUMAGAL ang paghakbang ni Tanya nang mapatitig sa hanay ng mga elevator. Animo nakaramdam siya ng déjà vu. Muli, sa halip na sumakay sa elevator na para lamang sa mga VIP, katulad ni Karzon, sa elevator na pang empleyado siya sumakay. Habang umaandar paitaas ang elevator ay napasandig pa siya sa may dingding niyon dahil nakaramdam siya bigla ng pagkahilo. Noon naman ay na-overcome na niya ang hilo sa elevator. Pero ngayon, mukhang bumalik ulit iyon. Bahagya niyang nahilot ang kaniyang sentido. Nang makalabas sa elevator ay sandali muna siyang sumandig sa wall ng pasilyo para bumawi ng lakas at mawala ang hilo na nararamdaman. Ramdam na ramdam pa rin niya iyong pakiramdam na bumubulusok siya paitaas. Nang kahit paano ay medyo ayos na ang pakiramdam ni Tanya ay ipinasya niya