PAGKALABAS NA pagkalabas ni Tanya sa elevator ay natutop agad niya ang kaniyang bibig. Ramdam niya ang biglaang pagbaliktad ng kaniyang sikmura. Pakiramdam niya ay masusuka siya. Kahit nakakaramdam ng hilo ay may pagmamadali nang hayunin niya ang pinto ng penthouse. Mabilis din ang naging kilos ni Karzon nang buksan nito ang pinto niyon para sa kaniya. Ang unang pinuntahan ni Tanya nang makapasok sa loob ng penthouse ay ang pinakamalapit na banyo. Sa toilet bowl nga ay halos pakawalan niya ang lahat ng kaniyang nakain. Isinuka niyang lahat na nagpahina sa kaniyang katawan. Lambot na lambot ang kaniyang pakiramdam. Hindi naman umalis sa tabi niya si Karzon na siyang umalalay pa sa kaniya. “Nasusuka ka pa ba, sweetie?” masuyo pa nitong tanong makaraan ang ilang sandali. Pinakiramdaman