“PASENSIYA NA, Señorita, sa aking sasabihin. Ngunit, para bang napapadalas ang iyong pamamasyal?” ani Mang Talino kay Ayah isang hapon. Nabigla man sa sinabi ng katiwala sa kanilang lupain ay hindi siya nagpahalata. Matamis pa siyang ngumiti. “Sinusulit ko lang po ang pananatili ko rito, Mang Talino. Dahil pag-uwi ko po sa amin, wala na pong ganitong lugar sa Manila. Pasensiya na rin po kung palagi akong umaalis. Nagpapaalam naman po ako kay Manang Salome. At minsan, inihahatid din po ako ni Ibyang sa aking pinupuntahan.” Tumango-tango ang matanda. May nalalaman na kaya ito sa pagkikita nila ni Prix? Dalangin niya ay wala. Paano kung pasundan siya ni Mang Talino sa mga susunod pa niyang pag-alis? Paano ang lihim nilang pagkikita ni Prix? Mapupurnada na ba? Nababahala siya sa bagay na i