Chapter 25 - Prix Montejero: The Former Playboy

2162 Words

NAKASANDAL ang likod ni Prix sa dingding ng kaniyang silid. May liwanag sa kaniyang silid dahil sa gasera na dinala muna niya roon bago siya matulog. Nang mga sandaling iyon, siguradong tulog na ang mag-asawang Lino at Inday sa kabilang silid. Ngunit heto siya, gising na gising pa rin habang hawak sa dalawang kamay ang sulat na ibinigay sa kaniya ni Ayah. Muli niya iyong binasa sa isip kahit na nabasa na niya iyon kanina sa tulong na rin ng ilaw na nagmumula sa gasera. Dear Prix, Kumusta ka na? Sobrang miss na kita. Sana, palagi kang nasa mabuting kalagayan. Okay naman ako, kung ‘yon ang itatanong mo. Patawad kung hindi ako makapunta sa ilog nitong mga nakaraan dahil ayaw kong makahalata lalo sina Mang Talino na bukod sa pamamasyal ay may iba talaga akong dahilan kung bakit palagi ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD