Chapter 26 - Prix Montejero: The Former Playboy

2054 Words

“SAAN ang punta mo, Ibyang?” kunway tanong pa ni Ayah kay Ibyang na may dalang basket na alam niya na ang laman ay pagkain. Alam ni Ayah kung saan ito pupunta dahil nakaringgan niya kanina mula kay Manang Salome ang pag-uutos nito sa anak nito na magdala ng meryenda sa niyugan. Isa lang ang ibig niyong sabihin, pupunta si Ibyang sa kinaroroonan nina Prix. “Magdadala po ng meryenda sa niyugan, Ate Ayah.” “Puwede bang sumama? Medyo naiinip ako rito sa bahay.” Nakangiti pa nang tumango si Ibyang. Mukhang pabor dito ang maglakad ng mayroong kasama. “Sige po. Basta okay lang po sa inyo ang maglakad ng medyo malayo.” “Oo naman.” Basta para kay Prix, willing naman siyang mag-effort sa paglalakad makita lamang ito. “Tara na po,” pag-aaya na sa kaniya ni Ibyang na sinabayan na si Ayah sa pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD