MAS PINILI ni Sephany na maupo sa may likuran ni Thaddeus nang sumakay sila sa kabayo nitong si Pegasus. Nakasuot siya ng jeans at rubber shoes sa paa. T-shirt naman sa kaniyang pang-itaas na kulay white. May collar din iyon at naka-tuck-in sa suot niyang jeans. “Ayaw mo ba talaga rito sa may unahan ko?” tanong pa ni Thaddeus kay Sephany. “Okay na ako rito sa may likuran mo,” aniya na yumakap pa nang mahigpit sa katawan nito. Hayon na naman at nanunuot din sa kaniyang ilong ang mabangong amoy ng kaniyang asawa. Asawa… Napangiti siyang lalo sa isipin na iyon. Oo, legal naman silang mag-asawa. May dalawang buwan pa para namnamin niya ang bagay na iyon. At ngayong nagkaroon ulit ng pagkakataon na magkasama sila ni Thaddeus, gusto niyang ma-feel kung paano itong maging asawa. Tipong hindi