DUMIRETSO si Thaddeus na second floor ng bahay nito. Kahit ano’ng subok na pagwawala ni Sephany ay hindi man lamang nito pinansin. At sa halip na dalhin sa gamit niyang guest room ay sa silid mismo nito siya dinala. Buong akala ni Sephany ay ibabalibag siya nito sa kama. Ngunit maingat naman nang ihiga siya nito roon. “You’re not leaving,” mariin at maawtoridad na wika ni Thaddeus. Bahagya pang tumaas-baba ang dibdib ni Thaddeus dahil sa klase ng paghinga nito. Mukhang napagod dahil sa pagkakabuhat sa kaniya papunta sa silid na iyon. Pinilit ni Sephany ang bumangon mula sa kaniyang pagkakahiga sa kama. “Why not? ‘Di ba, gusto mo akong umalis?” Hayon na naman ang pagtiim ng labi nito. “Ikaw ang may gustong umalis. Napakatigas ng ulo mo. Puwede ba? Just for tonight, makinig ka sa akin.