Chapter 12 – Sephany Montejero: The Marriage Contract

2142 Words

NAALIMPUNGATAN si Thaddeus sa pakiramdam na sikip na sikip siya at tila ba may nakapulupot sa kaniyang katawan kaya hindi siya basta-basta makagalaw buhat sa kaniyang pagkakahiga. At nang unti-unti niyang imulat ang mga mata para makita kung bakit ganoon ang kaniyang pakiramdam, laking gulat niya nang makitang nakayakap sa kaniyang katawan si Sephany. Nasa bandang dulo na nga siya ng kama, ngunit nagawa pa rin nitong siksikin siya roon. Nakadantay pa ang mga binti nito sa kaniyang hita. Kaya naman pala sikip na sikip ang kaniyang pakiramdam. Mukhang napagkamalan pa siya nitong unan. Sandali munang ipinikit ni Thaddeus ang kaniyang mga mata. Sinisikap na kalmahin ang sarili dahil sa pagkagulat sa kaniyang mamumulatan. Hindi pa naman siya sanay na may babaeng animo ahas na nakalingkis sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD